Chapter 18 Hindi ako lumingon kahit na ramdam ko ang bigat ng mga mata ni Moses na nakasunod sa bawat hakbang ko palayo. Ang pintig ng puso ko ay tila nakikipag-unahan sa bilis ng aking paglalakad. Bakit ba kasi nandoon siya? At bakit ganun siya makatingin? Tila ba hinuhubaran niya ako ng tingin, pero sa likod noon ay may kung anong emosyon na hindi ko mapangalanan. "Magnanakaw..." bulong ko sa sarili ko habang mapait na napangiti. Sanay na ako sa panghuhusga ng iba, pero iba ang kirot kapag nanggaling ito sa mga taong nasa itaas na sadyang mapagmataas. Ang tingin ni Sierra kanina ay puno ng pandidiri, habang ang tingin naman ni Moses ay... mapanganib. Pagkauwi ko, naabutan ko si Lola na naghihimay ng malunggay sa maliit naming sala. "Apo, andiyan ka na pala. Bakit parang namumutla k

