Gusto kong tumalikod at tumakbo palabas. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit si Moses pa? Bakit kailangang sa pamilya pa ng lalaking nagdulot ng gulo sa buhay ko kahapon ako magtatrabaho? "Ikaw ang anak ni Ma'am Agnes?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nanatili akong nakatayo sa may pinto, hawak ng mahigpit ang strap ng luma kong bag. Tumayo siya at dahan-dahang naglakad palapit sa akin. Suot niya ay simpleng itim na t-shirt na bumabakat sa magandang hubog ng kanyang katawan at jogging pants. Ibang-iba sa pormal na ayos ng bahay, pero nangingibabaw pa rin ang awtoridad niya. "Surprised? Or planned?" mapang-asar niyang tanong. Huminto siya ilang dangkal lang ang layo sa akin. Naamoy ko na naman ang pamilyar niyang pabango—mint at dagat. Kumunot ang noo ko. "Anong planned? Hindi ko alam

