Chapter 2
.
"What's your name?" Tanong ko pa.
"Kaleb, you?" Pabalik na tanong niya sa akin. Uminom siya sa may baso niya.
"Gabriella Eclarinal Alvarez," pagpapa kilala ko.
Full name ko 'yon aba! Malay mo naman mabilis 'tong ma fall. Edi tapos agad ang dare nila sa akin. At hindi makuha ang sasakyan ko. Noong nakaraan namin na dare, natalo si Cali. Ibinigay niya ang bagong Channel na bag niya. Na sa akin 'yon ngayon.
"That's your full name i guess?" Tanong ni Kaleb.
"Yes my first, middle, and last name!" Masaya kong sagot. Dinadaan daan ko siya sa ngiti, baka sakaling mainlove.
"Kaleb lang ba talaga name mo? One name lang?" Kunot noong tanong ko, napailing naman siya at sabay uminom muna ng alak.
"No. Kaleb Privano," Sagot niya ng matapos niya uminom ng alak mula sa baso niya.
"Ah love? Love Privano? Bawal bang love ko?" Biro ko sa kaniya, banat 'yun.
"What?" Tanong niya at napakunot pa ang noo niya. Hindi niya yata naintindihan.
"Biro lang, pero pwede naman 'yon ang itawag ko sayo. Kung gusto mo lang okay? Kasi ako gusto ko e," Pinilit kong magseryoso upang sabihin 'yon sa kaniya ng maayos.
"You're drunk," Sabi niya and he bit his lower lips. Ewan ko ba pero kusa gumalaw ang katawan ko para ilapit ang labi ko sa labi niya.
I kiss his lips, it's about 1 minute i guess. He didn't even respond to my kiss. Nilayo ko na ang mukha ko sa mukha niya, hindi ko na siguro alam ang ginagawa ko dahil may tama na din siguro ako.
"Y-your lips, nakaka attract — SORRY!" Utal kong sabi ng matapos ko siyang halikan.
Kissable kasi e. Sorry di ko talaga sinasadya na halikan ka, promise.
Ngumisi naman siya at mayabang na sinabi n'yang, "It's fine, i know that."
"Yabang.." Bulong ko.
"What did you say?" Tanong niya.
"Ah wala ah! Sabi ko ay lasing ako," Sabi ko sa kaniya.
"Ikaw ba hindi ka ba lasing?" Dagdag na tanong ko sa kaniya.
Nagising seryoso naman ang mukha niya, kumain siya ng pulutan nila. Tyaka mayabang na sinabing, "Hindi, ako ang mag hahatid sa dalawa kong kaibigan. Ayoko din naman magpaka-lasing."
"Nasaan na ba ang mga kaibigan mo?" Tanong ko sa kaniya, kumuha ako ng alak doon sa nakalagay sa may table nila. Hindi makapal ang mukha ko, lasing lang talaga ako siguro.
"I don't know. Maybe nasa car or restroom may ginagawang kababalaghan?" Sagot niya, at umirap.
"Paano mo naman nasabi na nakiki-pag s*x sila?" Tanong ko sa kaniya, daig ko pa palang nag iinterview sa kaniya.
"Dahil ay may babae silang kasama?" Pabalik na tanong niya sa akin.
"Hindi mo naman masisigurado na 'yon talaga ang ginagawa nila," Sabi ko sa kaniya.
"Maybe," Sagot niya at kumain ng pulutan nila.
Kinausap ko siya ng kinausap, ini-enterntain ko siya. Tinatanong ko siya ng kung ano ano, napatagal na din 'yon. Pero noong nag uusap kami ay hindi na ako nag inom pa.
"Hey Gabi!" Tawag ni Cali sa akin kaya naman ay napalingon ako sa kaniya.
"Why?" Tanong ko sa kaniya.
"Ava and Mia is here. Look!" Turo niya, kaya naman ay napatingin ako doon at may kasama silang lalaki. Yon ang lalaki na kasama ni Kaleb kanina.
"Hindi ka pala na lonely pre, may kasama ka pala dito," Ngising sabi ng lalaki na kasama ni Ava.
"Anong ginawa niyo?" Seryosong tanong ni Kaleb sa kanila.
"Nag usap lang," sagot noong isang lalaki na kasama naman ni Mia. Iyon yata ang sinasabi niyang ka blockmates niya.
Halata naman na hindi naniniwala si Kaleb sa kanila pero hindi na siya nag tanong pa. Pumunta na lang kami sa may sasakyan, ako na ang nag drive. Dahil sa aming lahat ay ako lang talaga ang hindi madami ang nainom. Malapit lang din naman ang apartment ni Cali.
Pagkagising ko ay sobrang sakit ng ulo ko, kaya naman ay kumuha na ako ng damit sa cabinet ni Cali. Para makaligo na din ako, amoy alak pa ako.
Nang matapos ay nag order ako ng pagkain, dahil nakakatamad mag luto. Hindi ko sila ginising at kumain na lang ako. Uminom ako ng advil, mabisang gamot sa may hang over.
"Sakit ng ulo ko!" reklamo ni Cali. Malakas pagkasabi niya noon.
"Inom pa," Natatawang sabi ko sa kaniya. Kahit pati din ako ay masakit ang ulo kanina pag gising.
"Ay maka-sabi! Hindi ka nag inom?" Sarkastikong sabi ni Cali.
Biglang nagising si Cali at tumingin sa akin. Bigla niyang sinabing, "Ay ang slapsoil naka ligo na, sana all."
"Syempre, ako pa ba? Ligo na, baho niyo na eh!" Mayabang na sabi ko, kaya naman sama ng tingin sa akin ni Ava.
"Ligo agad? Pwede bang pakiinin mo muna kami?" Reklamong tanong ni Ava na kakagising lang.
"Edi kumain kayo!" Malakas na pag kasabi ko sa kanila.
"Ano ba ang niluto mo?" Tanong ni Mia at nahikab pa.
"Hindi 'yan mag luluto, tamad yata ang babaeng 'yan!" sabi ni Ava. Tamad daw ako?
Tulad ng sinabi nila ay kumain muna sila bago sila naligo. Nag stay pa kami sa apartment ni Cali dahil nanonood pa kami. Gabi na kami umuwi ni Ava, ako ang nag drive ngayon. Dahil araw ko, Salit-salitan kami sa pag da-drive, para mas ayos.
Pag kauwi namin ay bagsak ako sa pagka-tulog. Ganoon din naman si Ava panigurado. Dahil pareho naman kaming mga puyat, at pagod. Nang magising ako ay agad kong tinignan ang orasan ko, para makita kung ano ang oras na. Napaupo naman ako dahil midnight pa lang pala.
Sinubukan kong makatulog ay hindi pa din ako nag wagi, kaya naman ay naisipan ko na lang na mag IG. Inaalala ko ang pangalan noong lalaki sa bar, nang maalala ko naman ang pangalan noon ay agad kong sinearch 'yon sa IG. Hinahanap ko din siya sa following ng blockmates ni Mia. Baka sakali ay mayroon siyang IG. Hindi naman ako nagka-mali, nahanap ko ang account niya doon.
Kaleb_prvn
79 following|9,798 followers
Napairap na lang ako ng makita ang dami ng followers niya. Madami din naman ang akin followers ko, nag dalawang isip pa ako kung pipindutin ko ang follow. Pero sa huli pinindot ko naman.
"f**k siya, hindi na ako aasa kung di ako i-follow back nito," Sabi ko sa sarili ko.
I check his account, may mga post na siya doon. May naka topless siya na nasa beach. Naka shades siya noon. Pero ang nagustuhan ko sa mga litrato niya ay 'yong naka stolen siya. Nasa café or resto yata siya.
Nang makaramdam ako ng antok dahil kaka-scroll sa account niya ay natulog na lang ulit ako. Dahil napaka-sarap naman kasi matulog. Pagkagising ko ay umaga na talaga, nagluto na si Ava. Nakahain na 'yon.
"Sipag," Compliment ko sa kaniya. At bahagyang tumawa. Nag taray na naman ang mukha niya.
Muli na akong kumain, ganoon din naman si Ava. Masarap siya magluto, lagi siyang nagluluto sa amin.
"Malapit na finals ah," Sabi niya, habang nanguya pa ng pagkain. Kaya naman ay napatigil ako.
"Ay oo nga, last 2 weeks na lang diba?" Tanong ko, at pagkatapos ay uminom ng tubig.
"Oo, tapos graduating kana sa susunod na pasukan?" Napatingin naman ako sa kaniya at napa kunot ang noo ko. Tyaka humarap sa kaniya.
Tumingin ako sa kaniyang at seryosong sinabing, "Ikaw din naman, parehong five years ang course natin,"
"Naman! Architect Alvarez nga pala," Mayabang na sabi niya tyaka nilahad ang kamay niya para makipag shake hands. Napatawa naman ako ng bahagya.
"Ay really? Sure 'yan makakapasa ka?" Birong tanong ko at tumawa ng bahagya.
"Ang negative mo naman, wala bang support d'yan? Baka gusto mo hilingin ko na hindi ka makapasa sa board exam?" Mataray na sabi niya. Kaya naman ay di ko mapigilan ang ngiti ko.
"Okay lang. Edi pareho tayong walang trabaho," Seryosong sabi ko sa kaniya tyaka tumawa.
"Ay kala mo talaga mawawalan ka ng trabaho ano? May nakuha nga sayo bilang model!" Mataray na sabi niya, umirap pa. Lakas talaga magsalita ng isang 'to.
"Oh eh temporary lang naman ang ganoon e," sabi ko sa kaniya tyaka kumuha ng ulam sa may mangkok.
"Easy money din kaya 'yon. Tapos pwede ka pa mag trabaho kala tito," Sabi ni Ava, ngumiti na lang ako sa kaniya at hindi na sumagot.
Pagkatapos namin kumain ay nag ayos na ako ng gamit ko dahil nagyaya ako kay Ava na mag gym. Pumayag naman siya, kaya pupunta kami sa gym na malapit sa amin.
Nag suot ako ng sports suit ko, it's a leggings with a sports bra. Color black 'yon. Sinamahan ko na din ng jacket at nagbaon ng t-shirt. Nagdala na din ako ng headphone, mas nakaka-chill mag exercise kapag ganoon.
I'm using a treadmill, si Ava naman ay nag s-squat dahil gusto niya talaga palakihin ang pwet niya. Pinindot ko pa 'yong pampabilis, para mas lalo akong magpawisan.
Maya maya ay natuon ang pansin ko sa may salamin may dalawang lalaki na nandoon halos katabi ko ginagamit niya ay 'yong sa power cage. Para sa braso 'yon. Dumbell.
Binabaan ko na ulit ang level, hanggang sa tumigil na 'yon. Bumaba na muna ako doon at umupo sa may upuan na malapit doon, nandoon ang gamit namin ni Ava.
"Kaya naman pala gusto mag gym ng maharot," Tukso sa akin ni Ava at tumabi sa akin. Pinunasan ko ang pawis ko sa may mukha, at tyaka uminom ng tubig.
"Hindi ko naman alam na nandito siya, pero katulad ng deal last two days ago. I'm going to take advantage to him, habang nandito pa siya," Seryosong sabi ko sa kaniya. Pero mahina lang ang pag uusap namin, baka marinig ng iba.
"Ay! Talagang payag na payag si babaita," Sabi niya tyaka ngumisi. Nagpupunas siya sa leeg niya gamit ang towel na dala niya kanina.
"Ayoko naman mawala ang kotse ko ano?" Sabi ko sa kaniya at umirap.
"Next month pa naman 'yon ah?" Sabi niya sa akin.
"Oo nga, ayoko naman magaya sainyo na nawalan ng mamahalin na gamit. Dahil natalo kayo, weak!" Mayabang na sabi ko. At ngumisi ng nakakaloko para maasar siya.
"Yabang naman nito, atleast sapatos lang ang nawala sa akin ano!" Malakas na sabi niya.
"Hey," May lumapit na lalaki sa amin, at pamilyar talaga ang mukha niya sa'kin. Pero hindi ko na matandaan kung sino o saan ko siya nakita.
"You're Nash right?" Tanong ni Ava at ngumiti sa kaniya.
"Yeah, Ava?" Pabalik na tanong ng lalaki.
"Sino siya?" Pabulong na tanong ko kay Ava.
"Siya 'yong nasa bar noong nakaraan," Sagot ni Ava sa akin. Ngumiti naman ang lalaki sa akin, may itsura siya. Gwapo, matangkad, singkit siya ha.
"Ah siya pala 'yon?" Tanong ko, at ngumiti.
"I'm Nash," Pagpapakilala sa akin noong lalaki, at nilahad ang kamay sakin.
"Gabriella," Sabi ko at tinanggap ang kamay niya tyaka nakipag shake hands. Ngumiti siya sakin. May lumapit naman na isa pang lalaki doon kay Nash, si Kaleb!!
"Hey bro, do you know her pa ba?" Tanong ni Nash kay Kaleb at tinuro ako. Tinuro niya na din si Ava.
Napa isip naman si Kaleb, at tinitignan ang mukha ko. Kaya naman ay napakunot ang noo niya.
"Gabriella Eclarinal Alvarez right?" Nagulat na lang ako ng banggitin niya ang buong pangalan ko. Rinig ko ang bungisngis ni Ava, at pasimpleng kinurot ang gilid ng bewang ko.
"Yes. Kaleb Privano," Sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Nice bro, that's her full name i guess?" Tanong ni Nash at ngumisi.
"Yes, it's her full name!" Sagot ni Ava sa kaniya. Di naman siya tinatanong, siya nasagot.
"How did you know?" Tanong pa ni Nash kay Kaleb, bigla naman akong nahiya ng hindi ko alam.
"Nagpa-kilala siya sakin noong nasa bar," Sagot ni Kaleb sa kaibigan.
"I see, i think you two have a little conversation?" Tanong ni Nash at uminom ng tubig. May dala pala siyang color black na bottle.
"Yes," Sabay pa namin sagot.
I didn't expect na makikita ko siya sa gym. Nang makauwi kami ni Ava ay puro kwento siya tungkol doon sa lalaki. Kinikilig pa talaga siya, habang inaalala 'yong nasa bar. Nag kwentuhan daw sila sa sasakyan noong Nash. Napasarap daw kwentuhan nila, madami pa siyang sinabi pero di ko na lang pinakinggan. At nag-cellphone na lang ako.
Kaleb_prvn started following you.
"AY!" Nanlaki ang mata ko at napatalon dahil sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na if-follow back niya.
"Why? What happen?" Tanong ni Ava sa akin at kumunot ang noon. Nasa may dining siya at nag gagawa ng plates niyang deadline bukas. Buti pa ako 'yong blueprint ko ay friday pa. Patapos na naman 'yon kaya walang problema.
"Wala! HAHAHA!" Sabi ko at tumawa, umirap lang siya sakin. Kaya naman ay umupo na lang ako ng maayos. At binalik ang atensyon ko sa cellphone ko.
I check his my day sa IG, kanina lang niya lang 'yon pinost. It's a very short video, tatlong segundo nga lang 'yon. Naka sando siya, nasa gym siya noon. At walang caption na nilagay doon. Basta niyang lang pinost. Kaya naman ay nag reply ako doon.
Gabiii: Ay ito yong lalaking nakita ko sa gym kanina, can i know his number?
Chat ko sa kaniya, napangisi na lang ako sa sinabi ko sa kaniya. Pero hindi na ako magtataka kung hindi siya mag reply sa akin. Dahil halatang snobber siya!
Kaleb_prvn: No?
"Ay! Anak ng tokwa!" Gulat ko kaya napatingin ako kay Ava at nag peace sign. Hindi ko siya inaasahan mag reply. Pero bakit no?
Gabiii: Bakit no? Type ko siya e!
Kaleb_prvn: Type mo? Hindi ako keyboard.
Napakunot naman doon, at iniisip kung anong meron sa keyboard. Hindi ko talaga ma-gets ang sinabi niya.
"Ava!" Tawag ko, kaya naman ay inis siyang humarap sa akin.
"Ano?" Iritang tanong niya, stress yata sa plates niya. Inom pa more.
"Anong pick up lines ang connected sa keyboard?" Seryosong tanong ko sa kaniya. Kaya naman ay kumunot ang noo niya pero halatang nag iisip siya.
"Ah like, keyboard kaba? Then kapag sinabi niyang why or bakit, you'll reply na because type kita," Sabi niya kaya naman ay napatango ako sa kaniya.
"Sige, salamat!" Sabi ko sa kaniya at ngumiti.
"Why?" Seryosong tanong niya pero nagawa pang ngumisi.
"Wala, natanong ko lang. May nakita kasi akong memes," Pagsisinungaling ko, at binaling ko na ulit ang atensyon sa cellphone. Nag isip ng pwede i-reply o banat sa kaniya ng kiligin siya.