CHAPTER 1

2392 Words
Chapter 1 . "Gabriella hindi ka ba papasok?" reklamong tanong ng pinsan ko sa akin. "Papasok ako, sandali lang. Nagbibihis pa kaya ako!" Sigaw na sagot ko kay Ava. Pi-nagsama kami nila papa sa iisang condo. Mas mabuti na din iyon para may kasama ako. Para hindi kami na le-late sa pagpasok. Nang matapos ako sa pag bi-bihis ay lumabas na agad ako doon sa kwarto ko. Dalawang room ang mayroon doon kaya naman ay may privacy pa din kami sa isa't isa. "Ang bagal mo naman!" Sabi niya sa akin ng makalabas ako. "Wow ha? Ito na nga oh. Nandito na sa harap mo. Akala mo naman late na baka hindi mo alam ay may higit kalahating oras pa ano bago mag start class natin?" Sabi ko sa kaniya at umirap. "Kahit na ano! Maagang napasok ang crush ko. Para naman makita ko siya at ma turn on sa akin," Seryosong sabi ni Ava. "Whatever," Sabi ko at umirap sa kaniya. Puro pag crush ang alam niya, akala naman ay hindi madami ang gawain niyang plates ngayon. "Ikaw naman ang mag drive ngayon. Ako na ang nag drive kahapon," Sabi ko sa kaniya at inabot ang susi ng sasakyan. Umirap na lang siya sa akin. At tyaka kami nag elevator pababa. Nasa 4th floor kami at ayaw naman mapawisan kaya hindi kami nag stairs. Nagse-cellphone lang ako at may nag notification doon. Kaya naman ay binasa ko. "Ava sunduin daw natin sila Mia," Sabi ko sa kaniya ng mabasa ko ang text ni Mia. "Aba! Sinusuwerte naman yata siya. Baka hindi niya alam na sa La Salle siya nag aaral ano? At tayo ay sa Ateneo. Sabihin mo sa kaniya ayokong mag palayo! Sayang gas. At kalahating oras din ang byahe papunta doon ha!" Mahabang reklamo niya. Nag text na naman si Mia kaya binasa ko muna iyon bago sabihin kay Ava. "Gusto din daw magpa sundo ni Cali," Sabi ko kay Ava. Nag iba na naman ang itsura ng mukha niya. Kaya naman ay medyo natawa ako, halatang naiinis siya. "Sabihin mo sa kanila, hindi tayo school bus. QC tayo tapos pupunta pang Sampaloc Manila at Malate? May mga sasakyan sila tapos hindi gagamitin? Balak ba nilang ipa-kalawang na lang ang sasakyan nila?" sunod sunod na reklamo na naman niya. She have a point naman, dahil malayo naman talaga. Baka ma-traffic pa at ma-late pa kami dahil doon. Mataray pa naman ang prof namin. Nag voice message ko na lang sila dahil tinatamad ako mag type. Naki-singit pa si Ava kaya hinayaan ko na lang siya at iyon ang sinend ko sa kanila. Nang makarating kami sa Ateneo ay naghiwalay na kami ni Ava dahil magkaiba kami ng building. Nang matapos ang schedule ko buong araw ay hintay ko na lang si Ava sa may parking lot. Nang mainip ako ay lumabas muna ako para bumili ng pag kain. Bumili ako ng dalawang malaking chuckie, at tyaka tinapay. Bumalik na ako sa may school, at naghihintay na pala doon si Ava. "Penge ako!" Sabi niya ng makita agad ako na may hawak na pag kain. "Ayoko nga! May pera ka diba?" Sabi ko sa kaniya habang papalapit pa din. Sumakay na kami sa sasakyan at siya pa di ang mag da-drive ngayon. "Dali na pahingi ako!" pamimilit pa din niya sa akin. Kaya naman ay binigyan ko siya ng pagkain na mayroon ako. Bumalik ako sa pag se-cellphone ko. At nag tetext na naman sila Mia at Cali. "Walwal daw," Sabi ko kay Ava, hilig talaga mag inom ng mga 'to. "Kailan daw? Ngayon na ba?" Excited niyang sabi at napatingin sa akin. Tumingin ulit siya may unahan. Dahil baka mabangga kami. "Oo daw. Sa may Acustica Bistro," Sagot ko sa kaniya habang patuloy pa din na gumagamit ng cellphone. "Doon sa may Espana yon diba? Sa pi-nag inuman natin dati noong nakaraan?" Tanong niya habang inaalala ko pa din ang Acustica na 'yon. "Oo, malapit sa UST. Sa school ni Cali," Sabi ko sa kaniya. "Ah doon ba daw? Sabihin mo kamo sa kanila gora tayo!" Sabi niya kaya naman ay napailing ako sa lakas lagi niya magsalita. "Oo doon daw." Sagot ko sa kaniya. Iniinom ka pa din ang chuckie ko. Tinitipid ko 'yon. Lalo na at kinuha ni Ava ang isa noon. Kulang yon sa akin e, "Susunduin ba daw natin sila? Ano? Pupuntahan ba natin sila?" Napailing na lang ako sa mga tanong niya dahil kanina naman ay ayaw niya ang bilis magbago ng isip nito. "Diba sabi mo ay sayang ang gas?" Sabi ko sa kaniya at tumawa. "Oo kanina sayang talaga, pero ngayon ay hindi na ano!" sabi niya at napatawa ng bahagya. Natatawa ko naman sinabi sa kaniya ang, "Bilis naman magbago ng isip mo, pero ang sabi ni Cali ay doon na daw tayo matulog sa apartment niya at saturday naman daw tomorrow." "Sure! Sure!" Excited na sabi ni Ava. "Alak na alak ka Ava?" Sabi ko sa kaniya. Pero patanong ang tono noon. "Minsan lang naman 'yon!" Sabi niya at tumawa. Hindi na kami kumuha ng damit sa bahay, dahil madami naman ang damit ni Cali. Pwede namang manghiram doon dahil madami naman siyang damit. Nang makarating kami sa may bar ay naabutan namin ang dalawang kaibigan namin na kaka-baba pa lang sa may tricycle. Siguro ay dinala na nila ang sasakyan nila sa apartment na tinitirhan ni Cali. Pinarada ni Ava ang sasakyan doon sa may gilid, at tyaka kami bumaba. "Hoy Ava!" Salubong agad ni Mia. Kaya naman ay napataas ang isang kilay ni Ava "Oh ano?" Mataray na tanong ni Ava sa kaniya. "Ang arte mo ah! Damot mo din," Reklamo ni Mia sa kaniya. "Bakit naman ha?" Tanong ni Ava sa kaniya, natatawa na lang ako sa pag uusap nila dahil masyadong malakas iyon at tumingin sa amin ang ibang tao na dumadaan. "Sabi mo sayang gas ah? Mag papa-hatid lang sayo kaninang umaga. Pero sa alak hindi sayang gas? Gora agad ganoon?" Sabi din ni Cali. Kaya naman ay mas lalo akong natawa. "Gusto nan kasi pumasok ng maaga! Dahil makikita daw niya crush dahil maaga pumasok, bala daw ma-turn on sa kaniya," Natatawang kwento ko sa kanila. Pumasok na muna kami loob ng bar na 'yon. Kakaunti lang ang tao na nag iinom doon. Kaya naman ay naghanap ng magandang pwesto sila Ava, "Here!" Sigaw ni Ava. Kaya naman ay nag lakad kami papunta doon at tyaka umupo. "Order ka na ng alak doon Gabi!" Utos ni Cali sa akin. "Bakit ako?" Tanong ko sa kanila. "Dali na!" Sabi ni Mia. Kaya naman ay napatayo na lang ako at nag order ng alak. Tower ang drinks na pinili ko hindi kasya ang bucket lang para hindi ako pabalik balik. Bahala sila diyan sa bayad mamaya. Bumalik na ako sa may table namin at kasunod ko 'yong isang waiter. Habang ako naman ay walang dala. Nilagay niya ang drinks doon sa table namin. At umupo na muli ako kung saan ako nakaupo kanina. Katabi ko si Cali at busy sa pag lalagay sa baso ng beer. "Wow may pa pizza?" Sabi ni Ava sa akin. Mayroon din naman na nachos 'yon na pang family size. Para naman ay madami. "Hindi ko naman alam ang pipiliin ko doon sa menu e," Sabi ko. "Trip ko 'tong inorder mo na buffalo wings," sabi ni Cali. Red horse beer ang iniinom namin, tower na ang pinili ko. Nasa tatlo o apat na litro 'yon. Lalagyan na lang kapag naubos mamaya. "Cheers!!!" Malakas na sabi ni Mia. Kaya naman ay nakipag-cheer kami sa kaniya. Pangatlo pa lang na baso ang naiinom ko. Habang si Ava ay nakakarami na. "Hoy Ava! Ang dami mo na agad nainom!" Sabi ko sa kaniya. "May problema ka ba Ava ha?" Tanong ni Cali. "Nakita ko kasi 'yong crush ko! May kausap sa phone! Baby pa tawagan nila!" Sabi ni Ava. May tama na siya panigurado. Kung mag arte naman siya ay akala niya ay matagal na niyang crush 'yon. "Sino ba ang crush mo? Yong kinukuwento mo ba? Ano nga ba ang pangalan non?" Sunod sunod na tanong ni Cali. "Si Rex Lim," Sagot ni Ava kay Cali. "Eh f**k ka pala e! Pinsan ko yon!" Tawang sabi ni Cali. "Pinsan mo?" Tanong ko kay Cali. Natawa naman ako sa nalaman ko. "Oo! Hindi ko naman na alam na 'yon ang tinutukoy mo na crush mo. May jowa na talaga 'yon. Kalahating taon na sila!" Natatawang sabi ni Cali. Kaya naman ay natawa din kami, hindi naman kasi nag tanong si Ava e! "f**k ka Ava!" Natatawang sabi ko kay Ava. "Hoy malay ko ba ano!" Sabi niya, kaya natawa din siya. "Okay lang 'yan, diba may crush ka pa na taga-FEU?" Sabi ni Mia. "Ay oo nga ano!" Natatawang sabi ni Ava. Nag patuloy na lang ulit kami sa pag iinom, habang nag bi-biruan at kwentuhan. May tama na din ako, sigurado ako doon. Dahil sa dami na ng nainom ko. "Hey Gabriella!" Tawag ni Mia sa akin. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya at tumingin. Nakain ako ng pizza ngayon, ayoko muna uminom ng alak. "I have a dare!" Malakas na sabi ni Mia "Bakit ako lang?" Naka-kunot noong tanong ko sa kaniya. Tumawa si Mia at taas kilay ng sinabi niyang, "Ano ka ba naman! Ikaw lang sa atin ang matagal ng walang love life." "Ay oo nga Gabi!" Sang ayon ni Ava. "Oh sige ano ba 'yon?" Interesado kong tanong. "Do you see that boy?" Tanong ni Mia at tinuro ang lalaki. May mga kasama iyon na lalaki, hindi ko naman alam kung sino doon. "Which one?" Tanong ko habang nakatingin doon sa kabilang table kung nasaan ang lalaking tinuro niya. "The one who wearing a gucci shirt," Sabi niya. Kaya naman ay napatingin ako doon. Iyon lang ang lalaki nakasuot na gucci, hindi ko mata-tanggi na gwapo yon. Nag g-gym siguro 'to kasi malaki ang katawan niya kahit papaano. Gulo gulo ang buhok nong lalaking yon. "Ano ka ba naman Gabriella! Wag mo naman muna pag nasaan ano!" Sabi ni Mia sa akin. "Gabi, kina-kama mo na yata siya sa isipan mo e," Natatawang sabi sa akin ni Cali. "Oy hindi ah! Hindi ako katulad mo Cali-bugan!" Sabi ko kay Cali. "Wow ha! Akala mo naman inosente," Mataray na sabi ni Ava, may pataas taas pa siyang kilay. "Dali na Gabriella, mahina ka kasi e. Gawin mo ang ide-dare ko sayo," Sabi ulit ni Cali. Napakunot ang noo ko, pero interesado talaga ako. "Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko. "You need to make him fall in love with you." Seryosong sabi ni Mia. "Hala bet! Go Gabi!" Cheer pa ni Cali sa akin. At lumagok na ulit ng alak. Tyaka kumuha ng manok. "Nakakahiya naman, masamang pag laruan ang feelings ha." Sabi ko sa kanila at tumingin ulit doon sa table noong lalaking yon. "Okay, talo ka sa dare ha? Akin na lang 'yong car mo na ipapadala ng papa mo." Sabi ni Mia kaya naman ay nanlaki ang mata ko. "Kill joy mo naman Gabi," Singit ni Ava. Akala ko ay tulog na 'to. "Hoy game ako! Ano ba consequences nan?" Sabi ko. Lasing ako pero kahit papaano ay alam ko ang ginagawa ko. Sayang ang kotse! "Yan ang gusto namin sayo Gabi!" Tuwang sabi ni Cali sa akin. "Go Gabriella!" Cheer ni Ava sa akin. "Pero, nakakahiya naman lumapit doon. May mga kasama e, tatlo silang nag iinom oh." Sabi ko. "Don't worry Gabriella, block mates ko ang isa doon. May gusto 'yon sa akin." Sabi ni Mia. "Ava i think it's your time to have a new crush. Sayo ang isa doon," Sabi ni Cali, tumingin siya sa table na yon at tinuro gamit ang mata. "How about you?" Tanong ko kay Cali. "Don't worry, loyal ako ano! Kahit hindi ako pinapansin ng kuya mo!" Sabi ni Cali sa akin. Matagal na nga pala siyang may gusto kay kuya. Bilib ako sa kaniya. Natawa pa si Ava at kunwaring bumilib ng sinabi niyang, "Wow Cali ha, napaka loyal." "By the way, kapag hindi mo napa in-love 'yon Gabriella. Ibibigay mo sa amin ang car mo ha. Pero kapag nainlove ka sa kaniya, at nag kagustuhan kayo you can continue it." Paliwanag ni Mia. Tumingin ako doon sa lalaki na tinuturo nila at napailing akong sumagot, "Sige, malabo naman siguro na mahulog ako sa lalaking yon." "We'll see," Natatawang sabi niya. "Ano gora na?" Pag aaya ni Cali sa akin. "Mag stay ka lang dito Cali?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Mia, ikaw na ang mauna. Tapos lalandiin ni Ava yong isa. Tyaka ako lalapit." Sabi ko. Nag flying kiss pa si Mia at sinabi n'yang "Sige, keri ko to!" Pumunta siya doon sa table ng tatlong lalaki na 'yon. Pero ay maya maya lang ay nawala na agad si Mia. "Ang lakas ni Mia ah," Sabi ni Cali. "Watch me," Sabi ni Ava. Ngumisi pa siya kaya naman ay natawa ako ng bahagya at kumuha ng alak. Nag punta din doon si Ava, dalawa na lang ang natitira doon. Halata naman sa mukha ni Ava na ina-akit niya 'yong lalaki. Nanood lang ako sa kaniya. Hanggang sa hindi ko na makita si Ava. Nawala lang ang tingin ko ay wala na agad. "Gora na Gabi," Sabi ni Cali sa akin. Kumaway muna ako sa kaniya at lumapit doon sa lalaki. Umupo ako sa may katabi niyang upuan, siya na lang ang natira. Hindi man lang ako nagpa-alam na uupo ako doon. Dala ko pa din ang baso ko na may laman na beer. "Hi!" Bati ko sa kaniya at ngumiti. Tumingin naman siya sa akin. "Hello?" Patanong na sagot niya. "Saan ka nag aaral?" Tanong ko, at uminom ng kaunti sa baso ko. "UP," maikling sagot niya. "UP Diliman? Doon ba?" Tanong ko sa kaniya. "Oum," Tangong sagot niya. "How about you?" Dagdag niya, i didn't expect na mag ta-tanong siya. "Ako? Hindi ako nag aaral sa UP," Sabi ko sa kaniya at uminom. Napatingin ako sa kaniya at nakangiti siya. Ang pogi hala! "I mean saan ka nag aaral?" Pag pa-paintindi niya sa akin. Nasapo ko naman ang ulo ko sa kahihiyan. "Ah diyan lang sa QC. Sa Ateneo," Sagot ko sa kaniya. "I see," Sagot niya, at binaling sa baso ang kaniyang atensyon. ____________________________________ :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD