Tatiana HINIHINTAY ko na lumapag ang helicopter na sinasakyan nina Chaos. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita ko siya. Nang makita ko na naglalakad na ito papalapit sa kinaroroonan namin, hindi na ako nakapaghintay at lumapit sa kanya. Sinalubong ako ng yakap ni Chaos. Napadaing si Chaos dahil nadali ko ang sugat niya. Agad akong nag-sorry sa kanya. “I’m fine.” Niyakap niya ako at hinalikan ang gilid ng ulo ko. “Sorry, ngayon lang ako nakarating dito.” “I was worried,” sabi ko kay Chaos. “We’re okay.” Humiwalay ako sa kanya at napansin na hindi niya na kasama si Zeke. Nakatanggap ako ng mensahe kay Zeke kanina pero akala ko ay magkasama pa silang dalawa kaya’t hindi na ako nag-reply. “Umuwi na si Zeke?” tanong ko kay Chaos. “Oo, naghiwalay na kami ng landas kanina.” Inakb

