Zeke NAKATINGIN ako sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan ko. Papunta na ako ng airport para makauwi sa Manila. Now that I am sure that my sister and nephews are going to be okay, panatag akong babalik ng Manila. Napansin ko na iba ang kinikilos ni Tatiana magmula nang mawala siya. Bumalik siya na akala mo ay wala nangyari sa araw na nawala siya. Nang makita ko na mag-on ang tracker niya, alam ko kaagad na nasa panganib siya. Kaya nang bumalik ito na akala mo ay hindi dinakip, alam ko na may nililihim siya. I didn’t expect to meet Chaos. Hindi rin ako naniwala na patay na siya, pero hindi ko rin inisip na makikita siyang buong-buo. I know how that man is capable to cause mayhem to other people’s life. Nakita ko siyang paglaruan ang buhay ng ibang tao, at maging ako man ay minsan n

