PART 2: KABANATA 14

2018 Words

Chaos “KAILANGAN kong pumunta ng Amsterdam bago tayo umuwi ng Pilipinas.” Napatingin sina Abel at Jacco sa akin dahil sa sinabi ko. Kakatapos lamang ng business trip ko at uuwi na sana ng Pilipinas pero alam kong hindi dapat ako umuwi. May mga bagay akong kailangang gawin lalo na ngayong manganganak si Tatiana. Alam ko na nagdadalawang-isip sila o maaaring hindi makapaniwala sa narinig nila. After all, I am someone who doesn’t want to go back there. “Sigurado po ba kayo, Sir?” Matalim akong tumingin kay Abel pero tinitigan niya ako at hindi nag-iwas. Ramdam ko na nag-aalala silang dalawa ni Jacco sa akin, hindi dahil maaari akong mapahamak kung hindi baka magwala na naman ako at hindi ko makontrol ang sarili. Lahat pa naman ng trigger sa galit ko ay nagsama-sama sa Amsterdam o…baka h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD