Chaos NAKASALUBONG ko si Tatiana nang makauwi ako sa bahay. Napatalon pa ako sa gulat nang makita ko siya. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko kaagad siya napansin. Tumingin siya sa akin at agad akong ngumiti sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay para bang gumaan ang nararamdaman ko nang makita ko si Tatiana. For a moment, nakalimutan ko ang tungkol kay Maryse. Oo na, gago na. “Where’s your girlfriend?” she asked. Gusto kong itanggi sa kanya na hindi ko iyon girlfriend. Gusto kong sabihin sa kanya na wala akong girlfriend dahil pakiramdam ko talaga ay nagkakasala ako sa kanya dahil doon. Damn! Anak nga talaga ako ng tatay ko! This should be considered as f*****g cheating. Si Maryse ang girlfriend ko pero para kay Tatiana ang konsensya ko. Ginagawa ko naman ang lahat para kay Maryse

