Chaos NAGING magkasintahan kaming dalawa ni Maryse. Naandito pa rin iyong kaisipan na mali ang ginagawa ko. Maling gamitin ko si Maryse para makalimutan ko si Tatiana. “May girlfriend ka? Weh?” tanong ni Seymour sa akin. Inismiran ko siya dahil kanina niya pa ako inaasar magmula nang malaman niya ang tungkol doon. “Ang ingay mo naman. Ang pangit mong sabihan ng balita.” Natawa si Seymour sa sinabi ko. “Naninibago lang. Ikaw aang kilala kong pinakababaerong lalaki rito. Dinadamay mo pa kaming dalawa ni Miles madalas.” Tinaasan ko ng kilay si Seymour. Hangal talaga ang lalaki. Mas babaero naman siya kumpara sa akin. May dahilan naman din kung bakit mas pinipili kong mambabae, para makalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Tatiana. I shouldn’t feel this way towards her. Alam kong mali

