Chaos HINDI nagtagal ang pagtatago ko ng totoong katauhan ko kay Zeke Benavidez at sa kanyang ama. Nahuli rin nila ako at kinailangan kong sabihin sa kanila kung sino ako. Hinawakan ni Zeke ang kwelyo ko. “What are you doing here, then? Naandito ka ba dahil tinangka naming ipakulong ang kapatid mo? Are you here because you want to avenge him?” Nararamdaman ko ang galit sa kanya. Naalala kong nabanggit sa akin ni Hades na hindi natuloy ang pagsasampa ng kaso sa kapatid ko dahil sa koneksyon ng pamilya ko. Hindi rin nagawang kalabanin ng mga Benavidez ang pamilya ko dahil alam nilang kayang-kaya silang ilaglag ng aking ama ganoong mainit ang mata ng ibang politiko sa kanila. Isang maling pagkalaban sa amin, malalagay ang buong organisasyon nila sa panganib. “No,” sabi ko sa kanya. Itinul

