Tatiana HINDI KO alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko ito inaasahan. Anak sa labas si Chaos. Kaya ba hindi maganda ang relasyon niya sa pamilya niya? Umawang ang labi ko pero hindi ko na itinuloy ang binabalak kong sabihin sa kanya. Alam ko na mahirap pag-usapan ito at maaaring hindi gusto ni Chaos na magsalita tungkol dito sa ngayon. Niyakap ko si Chaos. “Sorry for asking about it, ganoong alam ko naman na hindi ka handang pag-usapan.” Hinagod niya ang likod ko, binibigyan ako ng comfort. “No need to apologize. Mag-asawa na tayo at normal lang sa ‘yo na magtanong tungkol sa akin. Ako itong hindi gustong pinag-uusapan ang tungkol sa pamilya ko. Masyadong maraming nangyari na sa tuwing inaalala ko ang aking nakaraan, hindi ko mapigilang…I’m sorry, Tatiana, sa ngayon talaga ay h

