Tatiana HINDI KO iniiwan ang tabi ni Chaos. Wala rin sa planong sabihin ko sa kanya na mahal ko nga siya, pero naisip ko rin na ayokong may pagsisihan kapag hindi ko napaabot sa kanya ang nararamdaman ko. I know that action speaks louder than words, but sometimes it wasn’t enough. Minsan ay kailangan mo ring sabihin ang nararamdaman mo. Magkatabi kami sa kama ni Chaos. Akala ko noong una ay natutulog na siya dahil nakapikit ang mga mata niya pero gising pa pala siya. “How’s the triplets?” Naalala ko ang aking mga anak. Kampante naman ako na nasa maayos silang kalagayan dahil kasama nila sina Mommy. Kung nasaan si Mommy ay paniguradong naroroon din si Daddy. “They are in good condition and healthy.” Nagtaas ako ng tingin kay Chaos. “Kapag pwede na, umuwi tayo sa kanila. Alam kong gus

