Chapter 14

1290 Words
Zarina/Zack POV ''Zarina baby, kill him now.'' ''Huwag! Maawa ka!'' ''Papa, bakit ko po siya babarilin? Hindi ba po masama iyon?'' ''That criminal is not worth to live baby. And that kind of person is the one who killed your mama. So Zarina kill him now.'' ''Pero—'' ''Or you want your yaya Lucia will die instead.'' ''No pa! Don't kill her.'' Napaiyak na lang ang isang batang babae. ''So kill him now!'' ''No! Zarina that's bad don't shoot him.'' ''Yaya! I'm sorry but I need to do it.'' Agad akong napabalikwas at napaiwas sa mga nagliliparang shirukens at kunais. What the! Mabuti na lang malakas ang reflexes ko. ''Zack, sorry utos lang ni Prime na gisingin ka.'' ''Ako rin, sorry pero pwede bang barilin din kita para dagdag exercise hahaha.'' Loko loko rin talaga itong si Zarrion eh. Di pa ako nakakasagot pero nagpaulan na siya ng bala. s**t! Ito na ba ang start ng training ko mukhang sobrang pagod ang aabutin ko ngayon ah. ''Ano ba! Ang bagal mo naman Mitzu. Ikaw pa yata matatalo Master mo na nga ang paggamit ng mga kunais & shuriken.'' ''Makapagsalita ka diyan! Nanonood ka lang naman!" ''Basta bilisan mo nga para ako naman susunod.'' ''Oo na!'' Napangisi na lang ako nakakatawa kasi sila. Andito kasi ulit kami sa gubat para sa training ko daw sa ''Game of death'' Mga 30 minutes na rin siguro kaming nagpapatamaan at naghahagisan ng shurikens & kunais kailangan daw 'to para maging ready ang katawan ko at hindi madaling mapagod. ''Grabe Zack hindi ko alam na ang lakas pala ng resistensya mo'' ''Pagod ka na?'' ''Oo, ikaw hindi pa ba?'' ''Pagod na.'' ''Edi, magpahinga ka na.'' Sabay hagis ko ng shurikens sa harap niya pero agad naman niya itong nasalo. ''Not so fast." Napangisi pa siya. ''Your fast but I'm brighter than you.'' Napangisi nalang ako ng bigla siyang mapaupo yung sinalo niya kasing shuriken ay kurumaken (wheel shuriken) binaligtad ko kasi kaya pagkasalo niya akala niya hindi siya nasugatan pero nag-iwan pala ng marka sa pisnge niya. Maliit lang pero malalim. ''Hahaha talo ka!'' ''Heh! Kainis ka Zack marunong ka naman palang gumamit nito eh. Dinaya mo ako!'' Nag-pout pa siya. Tsk, ang arte. ''Oh.'' Napa-angat siya ng tingin at agad na nagliwanag ang mukha niya pagkakita sa lollipop na grapes flavor na binigay ko. ''Wah! Zack hulog ka ng langit miss na miss ko na rin kasi ang 'grapes flavor'. Wah! THANK YOU!'' At tumalon-talon pa siya na parang bata. ''Eh Zarrion may lollipop ako galing kay Zack ikaw wala. Kawawang bata!'' Saka niya binelatan si Zarrion. Akala ko hindi siya sasakay sa panloloko ni Mitzu pero mukhang mali ako. ''Zack! Tuturuan kita ng iba't ibang technique sa baril at katana basta ba. Bigyan mo rin ako ng lollipop." Hindi ko alam na ganito rin ito. Mukhang kailangan kong bumili ng maraming lollipop. ''O-kay.'' ''Hahahaha, mga isip bata talaga.'' Napatingin ako kay Terrence mukhang enjoy na enjoy pa siya sa nangyayari may hawak pa siyang popcorn habang si Dark ayun nakarating na yata sa Dreamland. Si MiGay naman parang ewan nakangisi lang siya sakin na parang sinasabing humanda ka kapag ako na magtain sayo kampante lang sila na parang nonood lang ng movie. At ako ang main character tung dalawang to naman ang panggulo sa kwento ko. Hay! ''Ito shooting range muna tayo." Sabay hagis niya sa akin ng pistol. ''Sa Game of death may labanan ng baril dun kaya kailangan mo ring masanay kaya una nating gagawin ay pabilisan tayo paputukan ang mga latang yan'' ngumisi na lang ako at nag-okay sign. For almost half of my life nakahawak na ako nito parang parte narin ito ng katawan ko kaya siguro excited din ako dahil isang Silver Gun ang kalaban ko ngayon. Pumasok kami sa parang isang cage kung saan may umiikot na mga lata tssk siguradong imbento ito ng isip bata na yun. Ang daming arte. ''Okay, Zack galingan mo dapat segundo lang yan.'' ''Tumahimik ka nga bata!'' ''Bleeeh! makikita mo na katapat mo Gun!'' ''Start na nga tayo. Ayusin mo pagtingin diyan sa 'stop watch'. Mandaya ka lang kundi lagot mga babies mo sakin''''Oo na! dinamay mo pa sila'' nag-pout pa siya tssk isip bata talaga. Kailan kaya to magbabago. ''Tama na satsat start na'' nakangising sabi naman ni Rence saka siya ng go signal. Third Person POV Agad namang sumugod sila Zack at Gun mabilisan nilang pinagbabaril ang mga lata pero pareho silang nagulat dahil hindi matumba tumba ang ibang lata. ''s**t!'' ''f**k! Ano to?'' ''Hahahaha surprise kayo no? new invented baby ko yan mag-ingat kayo kasi may mga latang nagbabalik ng mga bala hahaha'' ''f**k YOU!'' Sabay pa nilang sigaw kay Mitzu na parang papatayin na nila sa tingin. ''ENJOY!'' Zarrion/Gun POV ''s**t! Kainis!'' Kanina pa ako mura nang mura dito kung pwede lang umalis eh. Pipilipitin ko talaga ang isip batang yun malay ko bang may mga ganitong bakulo yun. Bawat putok ko kasi may mga balang bumabalik kaya tuloy kailangan iyong lapitan at ibaligtad umiikot pa naman ang mga latang to. Iwas lang ako nang iwas kaya pala kakaiba ang itsura nito eh. ''Bilisan niyo may 5 minutes na eh!'' ''Ikaw kaya dito Speed. Ulol mo!'' Akala ko madali lang to pero f**k! Ang hirap pala. Paglingon ko kay Zack tahimik lang siya pero halatang naiirita na rin todo iwas lang kami sa mga bala. Nakakapagod pero maganda narin to kay Zack para sa mga kakaharapin niyang challenge sa 'game of death'. Napangiti ako ng may ideyang pumasok sa isip ko hehe syempre may utak rin ako noh. Gwapo kaya ako kaya di rin masamang gamitin ko ang utak ko. Tama diba mga babes? Tumigil na ko sa pagpaputok sayang ang bala eh saka ako humiga ng pabaluktot para magkasya ako. Ang talino ko diba mga babes? para hindi na bumalik ang bala syempre hindi na ako magpapaputok hindi pa ako mapapagod. Pero sana kanina ko pa naisip yun kainis. Rule ng mga gwapo: Minsan ang mga gwapo rin nahuhuli ang paggamit ng utak dahil sa sobrang karisma at kagwapuhan nila. Wala ng laman ang utak nila kundi ''BAKIT KAYA SOBRANG GWAPO KO?'' Terrence POV Nakakarelax pala sila panuorin pero ang sakit ng tiyan ko. Kanina pa kasi ako tawa nang tawa sa mga pinaggagawa ni Gun. ''Hahahahaha'' Pano namin kasi nung sinabi kong 5 minutes na sila tumigil na sa pagpapaputok si Zack. Napangisi pa saka may pinindot sa paanan niya kaya tumigil sa pag-ikot ang mga lata. Itinumba niya isa-isa ang mga ito saka lumabas at kampanteng lumapit sa pwesto namin. Habang si Gun naman as always wala yatang kaalam-alam sa paligid niya pinapaputukan niya parin ang mga lata pero ilang minuto lang tumigil rin siya kaya natawa kami sa itsura niya. ''Hahaha parang timang!" ''Tssk, stupid as always.'' Napatingin ako kay Miguel. Pinapanood niya rin pala si Gun. Ngumiti siya at bigla nalang humiga nang pabaluktot at tawa nang tawang pinagsisipa ang mga lata. Pagkatapos saka siya tumayo at nagtatalon na parang baliw sabay sigaw ng 'nanalo ako' pero parang pinagsakluban siya ng langit nang paglingon niya sa pwesto ni Zack na wala na dun. ''Hahahaha langya grabe!'' ''Hahaha yung mukha niya!'' ''Hahaha may video ako!'' Lumingon siya samin na may nagbabagang tingin lalong lalo na kay Mitzu. Naku! lagot patay kang bata ka. Pinagbabaril na nga niya si Mitzu. ''Patay ka sa akin kapag naabutan kita!'' ''Waah! Wala akong ginawa sayo Gun!'' ''Feeling mo! Gago!'' As usual naghabulan na naman sila. Tumahimik na lang ako saka tumingin sa dalawa kong kasama. Ang talim kasi nang tinginan nila. Anong problema ng dalawang 'to? ''Speed, ako muna ang magtrain sa babaeng to'' Babae? ''Sabing hindi ako babae eh!'' ''Sige maghubad ka nga.'' What the!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD