Zack POV
''Anong?'' Bwisit talaga itong MiGay na 'to eh. Sinasagad niya ang pasensya ko.
''Patunayan mo. Maghubad ka.''
''Hahaha brad nababaliw ka na ba? Bakit naman ako maghuhubad? Pinagnanasahan mo yata katawan ko eh.'' Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. Sinuklian ko naman siya nang mapang-asar na ngiti.
''Haha oo nga Miguel. Tama yata itong si Zack eh." Inakbayan naman ako ni Terrence buti nalang kasundo ko 'to.
''What the f**k! Me gay? Are you serious?"
''Eh, pinaghuhubad mo ako.'' Walang emosyong tumingin ako sa kanya. Humanda ka talaga sa ganti ko sayo. Namumuro na ito kailangang bigyan ng leksyon.
''Halika ka na nga Zack. Ako muna magtrain sa iyo.''
''Sige.'' Napangisi pa ako bago namin siya iniwang nakatulala dun. Serves you right.
''Wow! Rence grabe ha parang ewan naman itong training ko.'' Tumawa lang naman siya. Ang traning ko lang naman ay ang pagpush up at pagtract & field dito sa kainitin which is the most easiest training I ever had. Sobra akong nag-expect na mahirap ang traning ko sa kanya because he's the Silver Speed.
''Iba ka talaga! Dapat nga magpasalamat ka pa sakin kasi madali lang binigay ko para medyo makapagpahinga ka.''
''Tssk, ganito lang ba talaga ang traning ko sayo?''
''Syempre hindi. Merong mas mahirap diyan pero mamaya na yun ituloy mo lang iyan." Napangisi naman ako iba rin talaga siya parang ang gaan na agad ng loob ko sa kanya.
''400, 401,402,403,404,405,406—Ano ba!''
''Hahaha, iyan dagdag pahirap. Oh siguro medyo mahirap na training na yan para sayo.'' Tatawa-tawa pa niyang sabi habang nilalagyan ng sako ng bigas ang likod ko. Tiningnan ko lang naman siya ng masama. Grabe ang bigat 25 kilos yata itong nilagay niya sa likod ko.
''Opps! Huwag mong ihuhulog iyan! Sige fighting! Go Zack!''
''Langya mo Rence!'' Natatawa lang naman niya akong iniwan saka umakyat sa taas ng puno malapit sa akin. Bwisit ang bigat.
''Ituloy mo lang iyan hanggang 1000 hahaha.''
''Bwisit ka 500 lang!'' Itinuloy ko na ulit.
''408,409,500 sa wakas!'' Tatayo na sana ko ng lalong bumigat naman ang likod ko. s**t!
''Sabi ko 1000 diba. So may punishment ka hahaha!''
''Babaliin mo ba ang likod ko?''
''Hahaha, hindi sige ituloy mo na. Sige ka ikaw rin ang init pa naman na.'' Tiinuro niya pa ang sikat ng araw na unti-unti ko ng nararamdaman ang init nito na dumadapo sa balat ko.
Binabawi ko na. Siya ang ''pinakaworst'' na nagbigay ng traning sa akin.
''501,502,503,504,505,506,507'' Napahinga pa ako ng malalim parang namanhid na ang likod ko.
''I forgot bawal magpahinga may punishment din.''
''What the!'' Napasigaw na talaga ako umupo ba naman siya sa likod ko. Lalo tuloy bumigat nadagdagan na naman ang bigat sa likod ko. This time wala na talaga ang patience ko para saan ba't binansagan akong ''Ruthless Demon'' of all the Lady police officer.
''Kaya mo naman pala eh hahaha. Ang lakas mo tol." Dahan-dahan ko namang kinuha ang dagger ko saka ko siya sinugatan sa kamay ng hindi niya nararamdaman.
''Oy Zack tuloy mo lang yan. Inaantok na ko." At tulad nga ng inaasahan ko ilang minuto lang tuluyan na siyang nakatulog. Tinanggal ko na ang mga sakong nakalagay sa likod ko at syempre nasama siya dun. Nadaganan pa nga eh ang sama ko ba? dapat lang sa kanya yan patas na kami.
Pero hindi pa ako tapos binuhat ko siya at saka sinako. Ibibitin ko lang naman siya sa punong inakyatan niya kanina medyo.
Tatagal pa naman hanggang apat na oras ang epekto ng dagger ko. Hanggang walang gumigising sa kanya. Siya ang pangalawang sinampolan ko ng ganyan na ganyan.
Napangiti ako saka kampanteng naglakad. Nilabas ko ang mini laptop ko kasing liit ito ng capsule mabubuksan lang ito gamit ang ''fingerprint ko'' umakyat muna ako sa isa sa pinakamalaking puno dito pero hindi dun sa bahay bahayan ni yabang ah.
Medyo matagal narin kasi mula ng last kong icheck ang mga nilagay kong hidden cameras sa buong University. Titignan ko lang kung may kahinahinalang nangyayari. Habang tinititigan ko isa- isa mukhang wala namang pagbabago.
Pero may isang nakakuha sa atensyon ko yung pinakahuling video.
Zinoom ko muna bago ko ini-slowmo kaninang una kong pinanuod to parang simpleng away lang ng mga mayayabang na gangs pero may dumating na misteryosong lalaki naka cap siya at may suot na jacket na may nakalagay na symbol ng 'Bungo'.
May nakasulat ding ''Ángelos tou thanátou'' ang bilis ng mga kilos niya halos hindi mahuli lahat ng hidden camera. Sobrang galing niya at malakas. Ngayon lang ako nakakita ng ganung laban puro dugo. Pagkatapos nun nagblur na lahat pero napansin ko ang ngisi niya sa camera. s**t!
Sino siya? Alam niyang may hidden camera dun.
Kailangan ko siyang mahanap mukhang ngayon ko kakailanganin ang childish na yun. Baka may alam siya tungkol sa lalaking yun. Puno talaga ng misteryo ang Fevnery University. Unang tapak ko palang dito alam kong may mali. Parang may lihim na tinatago at gagawa ako ng paraan para malaman ito.
Nakakainis pa wala akong nakukuhang clue man lang sa misyon ko kakausapin ko mamaya ang childish na yun para sa iba't ibang gangs dito baka isa sa mga leader noon ang Prime na yun. Kung sino man siya. Halos mahulog pa ako sa gulat ng biglang mag-ring ang cp ko tssk sino ba to? istorbo nag-iisip ako eh.
I'm on a mission, I'm on a mission'
'adventures here adventures there'
'hahaha baby so fun blood is over here'
'come join me ohhh ohhh-
''Hello!'' Inis kong pambungad sa kung sino man to.
Pag ito talaga hindi importante ang sasabihin lagot siya.
''Woohh! Inspector Sandoval mukhang high blood ka ah.''
''Tssk, what ever Blake. Anong kailangan mo? Siguraduhin mo lang na importante iyan.'' Pagbabanta ko. Bwisit to, minsan nangungulit lang.
''Wala nangungumusta lang.''
''Okay, bye!"
''Hephep! Teka lang!''
''Oh ano? Bilis! Busy ako!'' Tumikhim naman siya. Mukhang seryoso nga ang sasabihin niya.
''Your mission about that ''Prime'' thing. May nahanap kaming clue tungkol sa kanya.'' Seryoso lang akong nakikinig sa kanya.
''He's a Mafia boss a deadly dangerous man and a leader of one of the gang in the University."
''Ano pa?'' Inip kong tanong sa kanya alam kong may sasabihin pa siya.
''He has a black snake tattoo.'' Bumilis ang t***k ng puso ko parang kusang nagflashback sa isip ko ang tungkol sa natuklasan ko sa misteryosong mini garden. Hindi kaya?
''Natahimik ka na diyan? By the way musta? Namimiss ka na ng Headquarters. Wala ng nanatakot sa mga kriminal."
''Okay lang ako, ikumusta mo na lang ako sa kanila. Saka one more thing alagaan niyo si Dwitty baby.''
''What the! Iyong nakakatakot na. Gusto mo na ba akong mamatay?''
''Tsk, i-check mo lang kung okay siya.''
''Okay na okay 'yon. Inaalagaan siyang mabuti. Takot lang noong taga-alaga sayo.''
''Sige na. Bye!'' Napangisi ako new clue has a black snake tattoo malapit na kitang mahanap nararamdaman ko.
''Magaling kang magtago pero mahahanap din kita Prime.''
Someone POV
''Pakiramdam ko nakita ko na siya, kuya."
''Talaga? Saan?"
''Fevnery University."
''What! It can't be!''
''Why?''
''We must go there. Danger is coming.''
''And I think war is coming too.''