Magandang umaga po, kamusta po kayo, Nay Julianna?” masiglang bati ni Drake nang makita ang ginang na nagwawalis sa bakuran. Tumingin si Aling Julianna sa kanya, bahagyang kumunot ang noo ngunit may ngiting pilit sa labi. “Ay, ikaw na naman, iho. Mabuti naman, salamat. Aba, ang aga mong nagising ah. May kailangan ka ba?” “Naku, wala naman po,” sagot ni Drake sabay ngiting parang may tinatagong kapilyuhan. “Gusto ko lang pong bumati ng magandang umaga.” Napailing si Aling Julianna pero hindi maitago ang tuwa. “Ikaw talagang bata ka. Halika na sa kusina. Nakapagluto na ako ng paborito mong almusal—daing na isda at pritong itlog. Tapos, may nilagang kamote rin, ‘yung gustong-gusto mong pinipigaan ng kaunting mantika at asin.” Napakalmot sa batok si Drake, sabay ngiti ng malawak. “Wow, Nay

