Huminga ng malalim si Sidney bago tuluyang makalapit kina Lira na kasalukuyang nakaupo sa isang table sa garden area ng restaurant. “Teka, akala ko ba sa maliit na coffee shop ka pupunta?” maang na tanong ni Lira, sabay sip ng kape habang sinusuri ang ekspresyon ng kaibigan. “Hindi na. Baka lalo lang kasing uminit ang ulo ko,” pabulong na sagot ni Sidney habang umupo sa harap nito. Napataas ang kilay ni Lira. “Uh-huh. At bakit naman iinit ang ulo mo sabi mo May bibilhin ka sa Coffee shop? Napairap si Sidney at dumukot ng tissue para punasan ang pawis sa noo. “Nandoon kasi si—ugh. ‘Yung lalaking mayabang. ‘Yung sinampal ko.” “WHAT?!” Halos malaglag ang tasa ni Lira. “Sinampal mo?! As in totoong physical contact, hindi lang verbal slaps?” “Diyos ko, oo! Eh hawak agad sa baywang! Akala

