Kabanata 2 natapos na ang lahat

1168 Words
Kabanata 2: Ang sugatan puso ni Sidney "EMMANUELLLL…." hysterical na sigaw ni Sidney; hindi na niya mapigilang lumuha. "Hayop ka! Mga baboy… Paano mo nagawang lokohin ako nang ganito??" sambit niya habang may mga luha sa mga mata. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa galit, at ang kanyang mga mata ay naglalaman ng sakit at poot. “S-sidney…” nauutal na wika ni Emmanuel sa kaniyang pangalan; mababakas sa mukha ng kanyang boyfriend, o madaling salita, ex-boyfriend, ang gulat… “Mga hayop kayo!” galit niyang wika sabay sugod sa babaeng nasa likuran ni Emmanuel. Hindi na niya napigilan ang kanyang galit. Parang isang leon na nakawala sa hawla, ang kanyang mga mata ay nag-alab sa poot, at ang kanyang mga kamay ay nakakuyom ng mahigpit. Ngunit mabilis siyang nahawakan ni Emmanuel upang pigilan na saktan ang babaeng ito. "Sidney, tama na!" wika nito habang nagpipiglas siya. Ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala, at ang kanyang mga kamay ay nakakapit ng mahigpit sa braso ni Sindny. Sa sobrang inis na nararamdaman niya, isang malakas na sampal ang ibinigay niya rito. Parang sumabog ang galit ni Sindny, at ang kanyang kamay ay naglakbay ng mabilis patungo sa mukha ni Emmanuel. “B-bakit?” nauutal at nanginginig na sambit ni Sidney. Ang kanyang mukha ay naglalaman ng sakit. “Bakit? Ano ang ginawa kong masama o kasalanan sayo para saktan mo ako ng ganito?” Lumuluhang saad niya. Ang kanyang boses ay piyok na. “Minahal kita ng lubos, lahat ginawa ko pero bakit ito ang sinukli mo? Dahil ba hindi ko maibigay ang isang bagay na hinihingi mo?” “Putang-ina mo pala eh?!” kung ‘yun lang naman ang dahilan mo?” Wala kang kwentang lalaki!” sambit niya. “Ikaw?” Hinarap niya ang babae. Ang kanyang mga mata ay nag-alab sa galit, at ang kanyang mga kamay ay nakakuyom ng mahigpit. Nais niyang saktan ito ngunit hindi na niya kaya pang ihagbang ang mga paa. “Anong klaseng babae ka? Alam mong may girlfriend ang kinakalantari mo?!” turan niya sa babae na imbes na magpakumbaba ay nakatingin lamang ito sa kanyya na para bang walang nangyari at tila siya pa ang may kasalanan. Ang kanyang boses ay puno ng poot, at ang kanyang mga salita ay parang mga matatalim na kutsilyo. "Sindny, pakiusap..." sambit ni Emmanuel. At nilapitan ang babae. “Will, yanong nalaman mo na kung ano meron kami dalawa ni Emmanuel? Hayaan mong ipakilala ko ang aking sarili. Ako nga pala si Darlyn, ang totoong mahal ni Emmanuel at ang magiging ina ng anak niya!” nakangising wika nito, wala itong pakialam kahit nakikita na niya ang buong kaluluwa ng babae dahil sa kahubaran nito. Ang boses ni Darlyn ay parang ahas na lumalabas sa kanyang bibig, malamig at mapanganib. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng masamang intensyon, at ang kanyang mga ngipin ay nakikita sa kanyang malapad na ngiti. Parang gusto niyang iparating na kaya niyang gawin ang anumang gusto niya, na wala siyang pakialam sa mga kahihinatnan ng kanyang mga kilos. Tiningnan ni Sindny si Darlyn. Ang kanyang mga mata ay nag-alab sa galit, at ang kanyang mga kamay ay nakakuyom ng mahigpit. Ang kanyang puso ay nagsimulang mag-panic. Parang may masamang kutob siya, parang may mangyayaring masama. “Ikaw? Ikaw ang totoong mahal niya? Ang magiging ina ng anak niya?” tanong ni Sindny. “Oo, at hindi ka na niya mahal,” sagot ni Darlyn. “At kahit kailan hindi ka naman minahal ni Emmanuel. “Tama ba ako, Baby?” Sambit nito at pagkatapos yumakap pa kay Emmanuel. Tila ba walang nnag natotirang kahihiyan sa babae, hindi alintana rito ang kahubaran. “Hindi totoo ‘yan!” sigaw ni Sindny. “No,” “Nagkakamali ka totoong ang lahat ng sinasabi ko!” “Hindi ka niya minahal at kahit kailan hindi ka niyang magagawang mahalin dahil ako lang ang mahal ni Emmanuel. Matagal na at para matakpan lang ang relasyon namin dalawa, napilitan siyang maging kasintahan ka dahil kailangan ka niya para ibigay ang pwesto bilang presidente ng kumpanya,” usal pa ni Darlyn. “Ngayon, tapos na ang lahat ng sa inyo at tapos na rin ang nagpapanggap niyang mahal ka niya,” nakangising turan ni Darlyn. Parang may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ni Sidney. Naging tanga siya sa mahabang panahong minahal niya ang lalaking ito. “Sa limang taon na magkasama tayo? Puro pagpapanggap ba ang lahat?” mariing tanong niya rito. “Sa tuwing ba kasama mo ako? Ako ba? Siya ang nasa isip at puso mo... Ah, Emmanuel? Sagutin mo ang tanong ko.” “Sa tuwing hinahahalikan at niyayakap ako, ba ang nakikita mo?” dagdag na wika pa niya rito. Walang sagot na nakuha si Sidney kay Emmanuel. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng sakit at kawalan ng pag-asa. Parang gusto niyang sumigaw, "Hindi! Hindi! Huwag mo siyang paalisin sa akin!" “So, totoo nga na siya ang nasa isip mo?” hindi mapigilang matawa niya dahil kahit hindi sumagot si Emmanuel, ay kitang-kita na niya sa mga mata nito ang sagot. Ang kanyang tawa ay puno ng sakit at pagkapoot. “Totoo, lahat ginamit lamang kita. Oo, aminin ko, pinilit ko lamang ang sarili ko. Sinubukan ko lang din mahalin ka, pero wala talaga, ginamit lang kita dahil gusto ka ng pamilya ko at ng aking abuelo. Para sa akin, ibigay ang pamamahala ng kompanya imbes sa pinsan ko,” sagot pa nito. Ang kanyang mga salita ay parang mga matatalim na kutsilyo na tumusok sa puso ni Sindny. Parang unti-unting nawawala ang kanyang lakas, at ang kanyang mga mata ay nagsimula nang mag-alab sa galit. Hindi niya alam kung paano niya mapipigilan ang luha na nag-uumpisa nang tumulo sa kanyang mga mata. “Ngayon, naipasa na sa akin. Kaya wala nang dahilan pa para ipagpatuloy ang pagpapanggap ko na mahal kita. May mahal akong iba at magiging ina ng anak ko,” dagdag pa nito. “Saka nakinabang ka rin naman,” usal nito. Napakunot ang noo niya aa sinabi ng lalaki. “Anong sinasabi mong nakinabang?” Bakas sa mukha niya ang pagkalito hindi niya maunawaan kung ano ibig nitong sabihin. “Oh diba, dahil sa akin lalo kang sumikat lalong gumanda ang career mo. Bilang isang napakasikat na Artisa ngayon at modelo maraming endorse dahil sa pangalan ko Concepcion?” wika nito na may nakakalokong ngiti. Luhaang humarap si Sidney kay Emmanuel. Sa gabi na iyon, habang nakatingin si Sindny sa kanyang repleksiyon sa salamin, hindi niya mapigilang magtanong sa kanyang sarili, "Ano ba ang aking halaga? Bakit ba ako nagtitiis sa ganitong sitwasyon?" Sa gitna ng kanyang sakit at pagkalito, napagtanto niya na kailangan niyang magdesisyon. Kailangan niyang gawin ang tama para sa kanya. Kailangan niyang iligtas ang kanyang sarili mula sa ganitong kaapihan. Sa sumunod na mga araw, naisip ni Sindny ang kanyang mga pagpipilian. Alam niya na ang kanyang relasyon kay Emanuel ay tapos na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD