Cheremia p.o.v
Lunch time na, akalain mo yun naka survive si aleja sa prisensya ni klient kaso ngalang kami naman ata ni zin ang di makakasurvive sa bunganga ng babaeng to.
Ang nakakairita dun, halos paulit ulit lang ang sinasabi nya. Kesyo talino ni klient o di kaya ang gwapo ni klient meron pang ang cool ni klient. Puro klient ang puta. Pakeelam ko ba kung gwapo sya o cool o matalino.
Sigurado ako pag sinapak ko yun dugo din naman ilong nun. Masyadong inlove ang gagang to.
Tuloy tuloy lang ako sa pag kain kahit naririndi na ako, tinignan ko naman si zin kasi nakakapanibago na hindi sya nagrereklamo sa ingay ng babaeng to.
Mukang naramdaman nya ang pag tingin ko, ay shet pag tingin, este naramdaman nya ang pag titig ko sakanya. Ililagay nya ang buhok nya likod ng tenga nya, dun ko nakita ang ear plugs na nakalagay dun. Tengene laging handa ang babaeng to ha. Sana ako rin.
Hindi na ako nakatiis sa ingay ng bunga nga ni aleja kaya nilibot ko ang paningin ko para humanap ng libreng mesa para lilipat ako. Dudugo tenga ko dito eh.
Pero bago pa ako makahanap ng bagong mesa iba ang nahanap ko. Nakita ko si klient kasama si xion na nag lalakad papalapit dito sa pwesto naming tatlo nila zin.
Napabaling naman ako kay aleja na todo parin sa puri kay klient, nilipat ko ang tingin kay zin na nasa harap namin. Mukang napasin nya rin sila klient, lumingon naman sya saakin kaya sinenyasan ko sya na wag maingay.
Hayaan nga ang babaeng to. Ang ingay mo ha, tignan ko lang kung di ka matahimik jan kapag napahinya ka
Lumingon ulit ako kila klient at xion na nag uusap habang naglalakad papalapit, tangina natatawa na ako.
1 meter nalang ang layo ayan na.
"Saka alam nyo pa pag nag nag babasket bal-----
Pahiya ka ngayo---
•
•
•
•
"Hi guys pwede bang maki share ng mesa?"tanong ni klient.
"Wag ka ng mag tanong umupo ka nalang"sagot ni xion sabay upo sa tabi ni zin.
"Bat ang tahimik nyo? Kanina parang ang saya ng kwentuhan nyo ha?"tanong ni klient.
Bat ang tahimik namin? Tinatanong mo.
TANGINAAAAAA
ayun na eh. Magandang show na sana yun. Marami na sana akong itatawa. Naimagine ko na nga muka ni aleja tapos-
Tapos, sisirain mo lang.
"Tanong mo kay zin. Hmmp"sagot ko saka iwas ng tingin at itinuon ang panghihinayang na nararamdaman ko sa pagkain sa harap ko. Kainis.
"Bakit ikaw? Anong ginawa mo?"tanong ni xion sabay baba ng isang slice ng chocolate cake sa harap ni zin.
Nakibit balikat lang naman si zin, sabay kain ng chocolate cake na dala ni xion.
Kibit-kibit balikat ka jan. Sinira mo kaya ang kasiyahan ko, kainis ka.
Panno ba naman nung saktong nakapasok na yung dalawang boys sa peremeter kung saan maririnig nila ang pag papantasya ng gagang si aleja kay klient da mvp, eh bigla nyang sinubuan ito. Edi nung saktong tapat nila saamin wala na silang naabutan o narinig. Napa kj mo zin.
KKKKKJJJJJJ. hmmp.
Nagtuloy nalang ako sa pagkain. Tumingin naman ako kay zin para sana tignan sya ng masama kaso may iba.
Parang ang saya nya pero wala parin emosyon ang muka. Pero ramdam mo ang saya ng atmosphere sa paligid nya.
Ano to?
Hindi naman sya ganyan kanina nung kaming tatlo lang. Kaya binaling ko and tingin kay xion na kumakain sa harap ko.
"Huy xion! Panno yan nagawa?" Tanong ko sabay turo kay zin na busy sa pag kain ng chocolate cake nya.
"Ang alin?" Tanong nya pabalik.
"Yan oh,"turo ko kay zin"dumating ka lang nawala ang nakabalibot na masamang aura nya--
Napahinto ako dahil bigla ba naman akong tinignan ng masama ni zin. Akala ko busy to sa pag kain nakikinig pala.
Oh yung part lang na yun yung narinig nya.
Tsk bahala na, ehem, take two.
-- i mean yung malamig na aura nya"sabi ko habang sumusulyap sulyap kay zin. Baka kasi tignan nanaman ako ng masama eh mahirap na.
"Ah yun ba! Dahil yun dito"sabi nya sabay kuha ng chocolate cake sa harap ni zin at bahagya yung nilayo.
Nung ginawa yun ni xion biglang dumilim ang kaninang maaliwalas na muka ni zin.
Nilapit naman ni xion ang cake at umaliwalas ang muka ni zin tapos nilayo ulit ni xion dumilim ulit ang muka ni zin.
"Woah/wow"sabay na reaksyon namin ni aleja.
Tangina sa tagal namin mag kakakilala ngayon ko lang nalaman ang bagay na to ha?.
Kinuha ko ang cp ko at tinype ko agad ang pangyayari na ito sa diary app ko. Para hindi ko makalimutan. Nung tinignan ko naman si aleja nakita kong nakahanda ang cp nya para kumuha ng litrato.
Nung natapos kami binalik agad namin ang cp namin sa bulsa namin habang hindi pa nya nahahalata.
Baka kasi ihack nya ang cp namin at lagyan ng virus bilang ganti bagong bili pa naman to cellphone ko.
"Ang oa nyo ha"sabi ni klient na medyo tumatawa. Nakita nya siguro yung ginawa namin.
"Hindi ka oayan yun. Alam mo bang once in a life time experience to. Baka hindi na maulit"sabi ni aleja.
Wow himala nakalagpas sa tatlong word ang sinabi nya kay klient.
"Talaga?"gulat na tanong ni klient.
Sabay naman kaming tumango ni aleja.
"Hindi rin"singit ni xion"lagi naman syang ganito pag binibigyan ko ng cak-- owww"
Anong meron.
Alam kong may something fishy sa dalawang to pero di ko inexpect na nasa ganung stage na sila.
Zin mag papaliwanag ka mamaya .
"Hahahaha"tawa ni klient
Kaya napatingin ako sakanya.
"Ayieee ang pogi nya talaga"sabi naman nung maharot kong katabi.
Teka kwento ko to eh. Bakit parang sila ang bida. Ano ako narrator tang ina. Ayoko na sa earth.