#15

933 Words
Cheremia p.o.v Balik school nanaman. Nakakainis, ayaw ko pa namang pumasok ngayon makikita ko kasi yung gunggong na ugliam na yun. Pag katapos nung nakita ko sa coffe shop nung sabado kala nya ba. Anong karapatan nyang makipagdate. Dont get me wrong ha, nabibwisit lang ako. Grabe yung hirap ko sa pag bubuhat nung kahon tapos sya nakikipag date lang. Aso ko sya kaya dapat hindi nya pinapahitapan ang amo nya. Dapat pala tinawagan ko nalang sya eh tapos sya yung pinagbuhat namin ng mga pinamili. "Huy mia, kanina ka pa dyan sa may pinto. Ano wala kang balak pumasok jan ka na lang forever?" Epal talaga tong aleja na to kokompyangin ko na to. "Forever ka jan, walang forever. Narealize ko lang na ang ganda ko pala dito sa may pinto kaya tinagalan ko ang pag tayo." Sagot ko sakanya, tuluyan na akong pumasok sa loob at dumeretso sa may upuan ko. "Aruu bitter na sya, porket nakita lang nya nung sabado-- "TAHIMIK!!" Putol ko sa sinasabi nya kay zin. Hindi nakawala sa paningin ko ang patagong ngiti ni zin. Nilakihan ko sya ng mata, agad nya namang inalis ang ngiti sa labi nya. Yan maganda kay zin eh, hindi nya pinapatagal ang pangaasar nya. "Pfft, affected" at eto naman ang pangit kay aleja. Hindi sya titigil sa pangaasar hanggang hindi na kokontento. "Tumahimik ka na nga!" Pag papatahimik ko sakanya. "Anong nakita nung sabado?" Singit ng kaklase namin na hindi ko alam kung saan galing. "WALA"me/aleja. Chismosa, tinitigan ko ang muka nung sumingit sa usapan namin. Dun ko napag tanto na babae pala sya. Kung di ko pa nakita yungdede nya hindi ko pa malalaman. Muka kasing lalake nyahahahaha. Umiral nanaman ang kademonyohan ko. "Hmmp"pag susumplada nya "Sino ba yun?"tanong ni aleja na kinagulat ko. "Seryoso hindi mo kilala?"pag dududa ko sakanya. Si aleja mayrong hindi kilala. Tangina kakaiba to. Dakilang chismosa to eh kaya halos lahat ng tao dito sa school kilala nya. "Huy hindi naman ganun kalawak ang resources ko no kaya meron akong hindi kilala." "Oo nalang,"palusot pa. Tinuon ko kay zin ang mata ko nakita ko na naka headset sya at nakapikit. Tinitigan ko sya ng matagal at gaya ng inaasahan ko di nag tagal minulat nya ang mata nya at tumingin saakin. "What?" Tanong nya habang tinatangal ang headset sa tenga nya. "Sino yun?" Pag tatanong ko sakanya at pasimple tinuro yung babaeng mukang lalaki. Alam nyo kasi si zin ang data base namin. Ewan ko ba, ang dami nyang alam. "Erika Valdez"simpleng sagot nya sabay balik ng heatset sa tenga. "ERIKA VALDEZ!!" sigaw ni aleja. O.a lang. Makasigaw to? "Bakit?" Maarteng tanong ni erika kuno. "Wala,assuming ka naman. Kala mo ikaw lang erika dito noh" pag susungit naman ni aleja. Yan kasi kaingay ingay mo, gumawa ka ng palusot mo ngayon. "Ako lang naman talaga ang erika dito diba?" Marte paring sagot ni erika kuno "Edi wow" Wala na sigurong masabi tong bruhang to kaya inedi wow di erika kuno. Hahaha. "Ajan na si ma'am umayos na kayo" sabi ni president Umayos na kaming lahat. Pati ako syempre mabait akong studyante. Kinusilapan naman ako ni Erika na yun.tusukin ko mata mo eh. Pag katapos nun dumating na nga si maam na may kasamang lalaki. Ramdam ko ang mag higpit ng hawak ni aleja saakin. Tinignan ko sya para sana bulyawan pero nung nakita ko ang muka mag kukulay violet na. Hindi humihinga ang loka. Kaya naman binatukan ko. "Aray naman"sabi nya. "Ode yan huminga ka na"sabi ko sabay bawi ng kamay ko. Patingin ko dun ay sobra nang namumula, kaya tinignan ko sya ng masama. "Sorry" sabi nya sabay peace sigh. Bakit ba ganito to. Dumating klient nya kung maka reac. "Class, siguro naman kilala nyo na kung sino ang kasama ko right?"tanong ni miss moana. "YES MAAM"masiglang sigaw ng mga mahaharot na babae. Syempre kasama dun ang katabi ko. "Umayos ka"bulong ko kay aleja. Dinelatat lang naman ako ng bruha. Sabunutan ko to eh. "Ok, so hindi na nya kaylangan pang magpakilala. Mula ngayon magiging kaklase nyo na sya so please be nice to him."sabi ni miss moana. Anong hindi mag papakilala. Bakit kami kilala na namin ang isat isa nag pakilala pa ulit kami nung first day tapos sya hindi. UNFAIR, mag wewelga ako. "Omg omg, hindi ako makahinga"oa na reaksyon ni aleja. "Edi wag ka ng huminga, mamatay ka na jan. Ang oa mo"sabi ko. "Mia naman eh"sabi nya sabay pout. "Mr. Cuena dun ka puwesto sa likod ni miss dumares"Utos ni miss moana. At etong si miss dumares sa tabi ko ay tuluyan ng nilayasan ng kaluluwa. Grabe. Nang makapunta na si klient sa likod ni aleja at naka pwesto na hindi ko na sana bibigyan ng pansin ng isingit nya ang ulo nya sa pagitan ng balikat namin ni aleja. "Hi"bati nya kay aleja. "Hi"bati naman ni aleja pabalik Tsk, pabebe. "Nagkita na tayo diba?"tanong ni klient . "Ah,oo"sagot ni aleja sabay lagay ng konti buhok sa likod ng tenga nya. Pa cute ang putik. "Sabi na eh. Lets be friend"sabi ni klient kasama ang killer smile nya. Sigurado akong nag aalburuto na sa loob loob tong si aleja. "S-sige"simpleng sabi nya. Bat ang unti nito mag salita ngayon. Yan ba ang epekto ni klient. Kung ganun dapat lagi namin isama si klient para laging tahimik tong si aleja. Umayos naman na ng upo si klient dahil nagsimula ng mag discuss si miss moana. Kinuha ni aleja ang note book nya. Binuklat nya yun sa likod saka nag sulat. Na curious naman ako kung ano ang sinusulat nya kaya inabangan ko. 'MIA, KINIKILIG AKO!!!!!' yan ang nakasulat dun nung pasimple nyang pinakita. Kinuha ko naman yung notebook ko at nag sulat din. Nung pinakita ko sakanya yung nakasulat sinimangutan lang nya ako at sumalumbaba sa mesa nya. Yan natahimik ka. Pannong hindi magiging ganun ang reaksyon nya ang sinulat ko ba naman ay,, 'GUSTO MO SAPAKIN KITA SA HARAP NYA' Sakin pa kasi sya mag gaganun Alam na ngang bitter ako. Isa akong malaking magandang ampalaya. Tangina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD