Halos gumuho ang mundo ni Victor ng makita niyang nakapatong ang asawa niya sa kanyang kakambal, hindi niya alam kung susuntukin ba niya ang kapatid o sasampalin si Charnaine. Hindi siya makakilos! para siyang na istatwa at nawala sa kanyang sarili. Ang dalawang taong malapit sa kanyang puso ay pinagtaksilan siya. Pag akyat niya ng hagdan ay nakakarinig siya ng ingay galing sa kwarto ng kakambal niyang si Vincent kaya agad niya itong pinuntahan at ganto ang kanyang nasaksihan, para siyang dinudurog ng pira-piraso... Napakasakit nito! Sobrang sakit nito para sa kanya.
“Bro!!!” umarteng nagulat si Vincent ng makita si Victor na nasa bandang pintuan na nakatayo at galit na galit kaya kunwaring tinulak niya si Charmaine. Agad na umayos ng tayo si Charmaine, at agad na nag explain sa kanyang asawa.
“Baby its not what you think—” hindi siya pinakinggan ni Victor at pinutol ang dapat na kanyang sasabihin.
“anong gusto mong isipin ko ha! Ginagago niyo ako!!!” pagkalakas lakas na bulyaw ang binatong salita ni Victor sa asawa. Dahil dun ay umiyak na si Charmaine at pinipilit na yakapin ang kanyang asawa pero itinutulak siya nito papalayo sa kanya.
“sorry bro, nagulat lang din ako kay Charmaine bigla niya akong pinasok dito sa kwarto. Akala ko kung ano ang gagawin niya. Bigla nalang niya akong hinalikan, sorry bro kung hindi ko kaagad siya napigilan.” Pagmamakaawa ni Vincent pero syempre isa nanaman ito sa kanyang pagsisinungaling.
Galit na galit si Charmaine sa narinig halos sumabog siya sa sobrang galit!
“Sinungaling ka!!!!! Lier!!!!! Ikaw ang humila sakin dito! —B-Bikoy, wag kang maniwala sa kanya. G-gusto niya tayong sirain—” pilit hinahawakan ni Charmaine ang mga kamay ni Victor pero tinatabig ito ng lalaki, iyak ng iyak na si Charmaine dahil sa pagmamakaawa sa asawa na pakinggan man lamang siya pero parang wala itong naririnig at tanging ang mga nakita lang niya ang pinaniniwalaan.
“paniwalaan ka? Bakit? nagkamali ka lang ng pinasukan? Napakalayo ng pintuan sa kama! Wag mo akong ginagawang tanga!” nang gigigil na pahayag ni Victor, ang tinutukoy niya ay ang agwat ng pintuan ng kwarto sa higaan ni Vincent, medyo malayo ang distansiya kaya paanong nakaabot sila doon kung sakaling hindi talaga gusto ni Charmaine.
“No B-Bikoy– please listen----pinilit niya akong hilahin papunta dito at yun ang T-totoo please maniwala ka naman sa akin—”
“pwede ba, wag mo akong baliktarin. Ikaw ang pumasok dito sa kwarto ko at bigla mo akong hinalikan, pinipilit mo akong akitin, ang akala ko si kuya Rome ang crush mo pati pala ako gusto mo. Kaya pala tinatanong mo sakin kung may girlfriend na ako. Now I know” seryosong sabi ni Vincent. Hindi makapaniwala si Charmaine sa kasinungalingan ng lalaki.
"SINUNGALING KA!!! paano mo ito nagagawa!" galit na galit na salita ni Charmaine.
"ano namang magiging dahilan ko para magsinungaling ha? at bakit ko naman iyon gagawin sa kapatid ko?"
Hindi siya makapagsalitang tumingin kay Victor tanging pag iyak niya lang at ang mukha na nagsasabing 'wag kang maniwala, parang awa mo na' ang tanging makikita sa kanya.
“Masyado bang napa aga ang kasal natin Charmaine? Hindi mo ba kayang makuntento sa akin kaya nang-aakit ka pa ng iba! at kapatid ko pa ang gusto mong akitin ha! Nagbago ka na talaga, hindi na ikaw ang Charmaine na minahal ko!” galit na galit na lumabas ng kwarto si Victor pero hinabol siya ni Charmaine. Walang ibang ginawa si Charmaine ng gabing yun kundi ang magmakaawa sa Asawa na pakinggan siya pero hindi siya nito iniintindi. Nanatili itong sarado sa mga paliwanag niya. Samantalang si Vincent naman ay pangisi ngisi lang, sinadya niya ang lahat ng ito. Nakita niya kasi sa labas ng kanyang bintana na paparating na si Victor kaya naman nag-isip siya na ito na ang pagkakataon niya para lalong mag-away ang mag asawa, hinila niya si Charmaine nang makita niyang malapit na ang babae sa silid nito at ginawa niya ang kanyang plano. Tama! gusto niyang sirain ang pagsasama ng mag-asawa.
—Tok Tok Tok Tok !!!!!
Napabalikwas ng pagkakahiga sa kama si Rome dahil halos kumalabog ang pintuan ng kanyang apartment dahil sa pagkatok ng tao sa labas. Tinignan niya agad ang orasan ng kanyang cellphone.
“alas tres ng umaga? Grabe! gabing gabi na ahh! Sino ba yun?! kahit hating gabi nang iistorbo!” naiinis man pero pinilit niyang tumayo at pinagbuksan ang taong nasa labas nagulat siya sa taong nasa nakita niya..... si Victor! lasing na lasing.
“K-kuyaaaaa !!!” sabi nito habang patawa tawa..
“Bikoy! Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka naglasing ng ganyan?” inalalayan agad ni Rome ang kapatid papasok sa loob ng apartment.
“k-kuyaa koooo hahahaha” pasuray suray na si Victor kahit na naka alalay ang kapatid sa kanya.
“Ano ba Bikoy? Bakit ka naglasing hindi ka naman ganyan ahh ano bang problema mo?” nag-aalalang tanong ni Rome sa kapatid.
“mga MANLOLOKO! —Sila ay mga manloloko!” Lasing na lasing na sambit ni Victor.
“Sinong manloloko?” nagugulumihanan ngayon si Rome.
“K-kuya nahuli ko sila ni C-Charmaine naghahalikan! Nakakadire sila” galit na galit na sumbong ni Victor sa nakakatanda nilang kapatid. walang ibang masabihan ng sama ng loob ngayon si Victor kundi ang kuya lang niya, na hindi lang kapatid ang turing niya dito kundi isang bestfriend. Sobrang close kasi sila ni Rome kaya naman alam nilang dalawa ang sekreto ng bawat isa.
“anong sinasabi mong naghahalikan? Sino?”
“s-si Charmaine at si Vincent!” pagkasabi ng pangalan nila ay humagulhol ng iyak si Victor. Hindi man makapaniwala sa mga narinig, pero inalo ni Rome si Victor. Damang dama niya ang lungkot at galit na nararamdaman ngayon ng kanyang kapatid. Pero bakit naman nagawa nina Charmaine at Vincent ang ganung kasamang bagay. Hindi malinaw sa kanya dahil matapos humagulhol ni Victor ay agad itong nakatulog kaya naman inisip nalang niya na bukas nalang ito kausapin tungkol sa ipinahayag nito sa kanya.