Nakaupo sa balcony si Vincent nang hindi sinasadyang mapadaan si Charmaine sa harap niya.
“hi, beautiful” bati nito na ikinasiwa ni Charmaine.
“pwede ba Vincent? Hindi ka nakakatuwa” pagsimangot ni Charmaine at pagikot ng kanyang mga mata kasabay ng pagtaas ng kanyang mga kilay.
“Ayaw mo? Ede hi ugly” sabay patawa tawa ng lalaki ng sinabi niya to, talagang pinipikon niya si Charmaine.
“Ako ba, trip mo ha?” naiinis na tanong na ni Charmaine. Alam naman ni Vincent, na asawa siya ng kakambal nito pero parang hindi siya ginagalang. sa totoo lang nakakabastos naman na talaga ang lalaki.
“ako din ba trip mo? Sabihin mo lang ibibigay ko sayo ang gusto mo baby ko” pang aasar ni Vincent at ginaya pa talaga niya ang endearment nila ni Victor. See, tama bang magsalita ng ganyan ang isang tao lalo na sa asawa pa ng kapatid mo? nakakabastos hindi ba?
“Anong sabi mo?—”
“Ui bro, may tinatanong sa akin yung mises mo?” naputol ang sasabihin ni Charmaine ng biglang magsalita si Vincent dahil nakita niya ang kapatid. Biglang nagbago ang expression ni Charmaine dahil tiyak magsisinungaling nanaman itong lalaking to.
“wala akong tinatanong sa kanya Bikoy wag ka maniwala jan” seryosong pagtanggi ni Charmaine kasabay ng mga sinabi niya ay ang pag-irap kay Vincent.
“Tinatanong niya bro kung nagka girlfriend na ba daw ako” diritsong sabi ni Vincent na akala mo totoong totoo na tinanong talaga iyon ng babae.
“bakit mo naman tinatanong yun baby?” tanong ni Victor sa asawa.
Nanlaki ang mga mata ni Charmaine dahil hindi siya makapaniwalang naniniwala ang asawa sa kasinungalingan ng kanyang kapatid. Dahil dun hindi kaagad siya nakapagsalita. kinuha naman agad ni Vincent ang pagkakataong iyon para mag exlain.
“baka na cu-curious lang siya bro, pinuntahan pa niya ako dito para lang itanong yun”. sobrang galing talagang mag-sinungaling ni Vincent kaya naman napapaniwala niya agad ang kakambal niya.
“What?! Sinungaling ka—”
“bakit naman magsinungaling ang kapatid ko Maine? Wag kang mag alala hindi naman ako magagalit kung curious ka sa mga buhay ng mga kapatid ko at sa buhay ko dahil asawa naman kita, kailangan mo ng mag ayos, ihahatid na kita sa work mo” matapos sabihin ito ay pumasok na si Victor sa loob ng bahay.
“what’s your purpose for your lying?” galit na tanong ni Charmaine kay Vincent. hindi sumagot si Vincent dahil maya maya ay nakita ulit ni Vincent na pabalik si Victor, kaya naman napangisi siya.
“sige na malilate ka na hipag. Wag mo na akong alalahanin dito ok lang talaga ako.” sinadya niya talagang iparinig ito kay Victor. Magsasalita pa sana si Charmaine ng nagsalita ulit si Vincent.
“Bro, pinapapasunod ko na si hipag sayo. Medyo nag aalala yata si Hipag kasi mag isa lang daw ako dito, pero sabi ko sa kanya ok lang ako hindi na niya kailangan mag alala. Napakabait naman ng asawa mo bro kaya pala inlove na inlove ka ei” ngiti ni Vincent kay Victor. Pilit naman na ngumiti si Victor.
“Ou kaya nga ei, Tara na Charmaine mag ayos ka na” seryosong saad ni Victor kay Charmaine.
“Pero Bikoy—” hindi na nakapagsalita si Charmaine dahil sa masamang tingin na ipinukol sa kanya ni Victor kaya naman wala siyang ibang nagawa kundi ang sumunod.
Pag alis ng dalawa ay nag iba ang awra ni Vincent, biglang sumama ang tinginan niya at ngumisi ng kakaiba.
—
Habang nasa biyahe ay hindi kumikibo si Victor, seryoso lang ito at hindi sanay ang babae sa inaasta ngayon ng asawa, napapansin ni Charmaine ang paglamig ng awra ni Victor. Maging sa pagbaba niya sa sasakyan ay hindi nag goodbye kiss si Victor, na palagi naman nitong ginagawa kada maghihiwalay sila. sweet talaga si Victor sa kanya pero baka dahil sa pangyayari kanina kaya lumamig ang pakikitungo sa kanya ng asawa . Sinabihan din siya ni Victor na mauna nang umuwi mamaya dahil matatagalan siyang umuwi. Hindi alam ni Charmaine ang gagawin dahil kahit mag explain siya kay Victor lumalabas na siya ang nag dedeny. Ang galing magpaniwala ni Vincent, kung hindi siya ang ginawan ng ganun kahit siya mismo maniniwala sa mga sinasabi ni Vincent. Nagiisip siya kung paano maayos ito at kung ano ang dapat niyang gawin. Ano nga ba ang dapat niyang gawin?
—
Dumating si Charmaine sa kanilang bahay. Hindi na siya nag abalang tignan pa kung nasaan ang damuhong Vincent na yun, baka madagdagan lang ang galit niya sa lalaki, dire diritso siyang umakyat papunta sa kwarto nila ni Victor at nagpalit ng damit. Matapos ay lumabas siya para kumain. Pagkababa ay walang siyang nadatnan na pagkain, kaya hinanap niya ang mga katulong sa quarters nito pero wala silang lahat. Nagulat siya sa pagsulpot ni Vincent.
“Nagpaalam sakin ang dalawa niyong katulong na may kailangan lang daw silang puntahan. Pinayagan ko naman sila dahil makikipaglamay sila sa namatay nilang lola” sa pagkakataong ito ay totoo ang sinasabi ni Vincent na nag paalam ang mga katulong nila na aalis dahil pupuntahan nila ang kanilang yumaong kamag anak. Naiintindihan naman ito ni Charmaine dahil ang mga katulong nila ay mag pinsan.
“nagluto ako ng ulam, inilagay ko sa topper ware doon sa lagayan ng mga pinggan” sabi pa ni Vincent tapos ay iniwan na ang babae. nag-iisip pa siya kung kakain, dahil gawa yun ng nakakainis na lalaking yun, pero dahil narin sa gutom, ay napagdisisyunan nalang din niyang kainin ang niluto ni Vincent. Na amaze siya sa sarap ng pagkakaluto, napakasarap nito at ngayon lang siya nakatikim ng ganto, may ari din ng restaurant si Vincent kaya baka natutunan niya ang mga gantong klase ng putahe sa kanyang negosyo.
“marunong din palang magluto yun” sa isip isip niya.
Hindi niya alam kung anong klaseng putahe ito pero napakasarap. Pinagpatuloy niya ang pagkain at tinirhan nalang si Victor pagkatapos niyang uminom ng tubig ay umakyat na siya papuntang kwarto, at habang papalapit sa silid nila ay bigla nalang may humila sa kanya. Si Vincent! Hinila siya papuntang kwarto kung saan tumutuloy si Vincent. Nagulat siya ng bigla siyang halikan ni Vincent. Halik na sobrang pusok na halos hindi siya makahinga dahil narin sa pagkakayakap sa kanyang katawan at ulo. Pinilit niyang magpumiglas pero hindi niya kaya ang lakas ng lalaki. Kaya isa pang beses na itinulak niya ito ng buong lakas niya ay nawalan ng balanse ang lalaki at napahiga ito sa kama. kinabig siya ni Vincent at napatihulog, kaya ngayon nakapatong siya sa lalaki. Eksaktong eksena na naabutan ni Victor.