CHAPTER 67

2912 Words

Mabilis na tumakbo si Ahtisa patungo sa nakaparadang bus, ang mga paa niya ay tumutuktok sa aspalto. Mabilis at mababaw ang kanyang paghinga, dahil kanina pa siya tumatakbo, at naghahabol ng malalanghap na hangin. Buong pagmamadaling umakyat siya ng bus, at tiningnan ang paligid, bago umupo sa bakanteng upuan sa pinakadulong bahagi ng sasakyan. Siniguro ni Ahtisa na ang puwestong kinaroroonan niya ay iyong hindi siya agad makikita sakali mang may taong dumaan sa labas. Habang nakasakay sa bus ay palingap-lingap pa rin si Ahtisa sa paligid, hindi siya mapakali, hindi mapanatag ang kalooban niya. Wala siyang dalang mga gamit dahil nasunog nga ang bahay niya. Pero dala naman niya ang pitaka at cellphone niya no’ng lumabas siya saglit bago lumiyab ang apoy. kaya hindi iyon nasama sa sunog.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD