CHAPTER 68

3160 Words

Napaupo sa nakasarang takip ng inidoro si Ahtisa, nanghina ang kanyang mga tuhod nang matitigang maigi ang dalawang guhit na kulay pula sa pregnancy test. Pakiramdam niya ay nakatitig iyon pabalik sa kanya at tinutuya siya. Nanginginig ang mga kamay na inilapag niya iyon sa lababo. Pumintig ang mga ugat niya sa sentido. Kumikibut-kibot ang mga iyon, at bawat pitik ay nagpapangiwi sa kanya. Biglang sumakit ang ulo niya sa natuklasan. “Hindi totoo ’to,” anas niya. Uminom siya ng contraceptive pill, ’di ba? Sigurado siya roon. Dapat ay sapat na iyon. Paanong nakalusot ang semilya ni Apollo? Tapos ay naalala niya kung gaano kapusok ang naging pag-angkin sa kanya ng binata. Pero dati naman kahit gaano karaming beses siyang makipagtalik kay Apollo ay hindi naman siya nabubuntis, basta lan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD