Habang lumilipad sa himpapawid ang sinasakyang private chopper ng mag-asawang Apollo at Ahtisa ay magkahawak-kamay lang silang dalawa. Pinagmamasdan nila ang nagkukulay kahel na kalangitan dahil pababa na ang araw sa Kanluran. Sa loob ng chopper, sa kabila ng ugong mula sa rotor blades, ay tila sobrang tahimik pa rin ng kalooban nila. Papunta na silang Santa Barbara ngayon. Bago sila umalis ng Santa Catalina ay marami pa muna silang inasikasong mag-asawa. Inilipat niya sa magandang museleo sa pribadong sementeryo ang himlayan ng mga magulang niya. Ang urn naman ni Asita Asuncion ay inilibing na rin sa sementeryo, at itinabi rito ang anak nitong si Elara. Para kahit sa huling himlayan ay kasama na nito ang anak. Ang mag-asawang Novaro naman ay nauna nang inasikaso ang puntod ng tunay n

