Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging payapa ang buhay mag-asawa nina Apollo at Ahtisa. Ang mga tauhan ni Romulo na hindi namatay sa engkuwentro ay nakakulong nang lahat, pati na ang mga taong sangkot sa mga ilegal nitong negosyo. Kusa ring sumuko sa batas sina Mr. and Mrs. Novaro at inilahad ng mga ito ang mga nagawang kasalanan, lalung-lalo na ang pagtatakip sa isang seryosong krimen. Ang dalawa ay nakakulong na rin ngayon. Ang lahat ng mga natitira pang ari-arian ng mag-asawang Novaro ay inilipat na ng mga ito sa pangalan ni Ahtisa. Ilang beses na tumanggi ang asawa niya, pero hindi natinag ang desisyon ng mga ito. Dapat lang daw na ibigay ng mga ito ang mga propiedad kay Ahtisa, at kahit nga wala nang matira sa mga ito ay hindi pa rin sapat na kabayaran iyon sa mga naidulot na pasa

