Nagkasundo sina Ahtisa at Apollo na makipagkita kay Eros nang araw na iyon. Pagpasok palang nila sa loob ng restaurant ay nahagip kaagad nila ang pamilyar na pigura ng lalaki. Nakaupo ito sa dulong mesa, sa tabi ng salaming pader, at nakatanaw sa labas. Pero tagusan lang ang tingin nito sa mga taong dumaraan. Ang malamlam na ilaw ng restaurant ay nagsasabog ng banayad na anino sa mga anggulo ng mukha ng doktor. Hinayon ni Ahtisa ng tingin ang binata. Ang linis nitong tingnan sa suot nitong damit. The fabric of his white polo shirt hugged his shoulders, while a dark navy blazer rested against his frame. He also wore a formal, well-fitted slacks. May wine glass sa ibabaw ng mesa nito, na mukhang hindi man lang nabawasan ni gapatak. “Are you ready?” baling sa kanya ni Apollo, pinisil nit

