Matapos humupa ang init ay patuloy pa ring magkalingkis ang mga hubad na katawan nina Apollo at Ahtisa sa ilalim ng malambot na kumot. Nakahiga silang mag-asawa sa kama. Ang mahahabang daliri ni Apollo ay nilalaro ang malasutla niyang buhok, habang nakasandig ang ulo niya sa malapad na dibdib nito. Ang isang paa niya ay nakadantay sa binti ng asawa, at ang kamay niya ay nakahaplos sa matitigas nitong muscles sa tiyan. "Pinagod na naman ba kita nang husto?" tanong sa kanya ni Apollo. Masarap pakinggan ang boses nito. Dinampian din nito ng banayad na halik ang tuktok ng ulo niya. Napangiti si Ahtisa. Lalo niyang isiniksik ang sarili sa mainit na katawan ng asawa. Mas lalo naman siya nitong hinapit. Hinayaan niya lang ang mga bisig nito na yumapos sa kanya nang mas mahigpit. "Sakto lang,"

