CHAPTER 32

1848 Words

Sa malabong diwa ni Ahtisa ay dinig niya ang malakas na sirena ng ambulansiya. Alam niyang nasa loob siya ng tumatakbong sasakyan. Kanina ay nawalan siya ng ulirat, pero muli ring nagising, at napapikit na naman ulit. Paulit-ulit lang. Pero sa pagkakataong iyon ay tila nagising na nang tuluyan ang isang bahagi ng utak niya at hindi na siya muling pumikit pa. Gayunman ay mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam. May mga paramedics ang tuluy-tuloy na nagmo-monitor sa estado niya, sa vital signs niya. May penlight pa ngang itinutok sa mga mata niya bilang parte ng inisyal na assessment upang masigurong aktibo pang rumeresponde ang balintataw niya sa ilaw mula sa aparato, lalo na dahil may tinamo siyang pinsala sa ulo. Pagdating ng ospital ay mabilis siyang inilipat sa stretcher at itinakbo pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD