Nagising ang nahihimbing na diwa ni Ahtisa sa pakiramdam ng mainit na bagay na nakalapat sa tiyan niya. Umungol siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nakita niyang nakarolyo pataas ang laylayan ng suot niyang pantulog, at nakadaiti ang gilid ng mukha ni Apollo sa tiyan niya. Likod ng ulo nito ang nakaharap sa kanya, kaya hindi nito agad napansin na gising na pala siya. Kumunot ang noo ni Ahtisa. “Apollo? Ano ang ginagawa mo riyan?” tanong niya sa asawa. Napapitlag ito at napaupo, napatingin sa kanya na parang dagang nasukol sa isang sulok. Habang magkahugpong ang kanilang mga mata ay unti-unting sumungaw ang magiliw na ngiti sa mga labi ng lalaki. Napahaplos ito sa batok. “I was just talking to our baby. I wanted to make sure the baby is okay after we… you know… did the deed. Baka

