Muli ay mabilis na kumilos ang mga daliri ni Apollo, tumitipa sa keyboard. Ang mga code sa screen ay nagri-reflect sa suot niyang salamin sa mata, habang ang tingin niya ay nakapukol nang sobrang tiim sa laptop. Sinusubukan niyang i-access ang CCTV at mga protected file ng ospital kung saan isinugod si Ahtisa noong araw na maaksidente ito. Authentication Required. Security Breach Detected. Nag-prompt ang ganoong mensahe sa screen. What he was doing was illegal, lalo na at kritikal sa isang ospital ang panatilihing pribado ang mga impormasyon tungkol sa pasyente ng mga ito. Pero wala siyang pakialam. Dinudumog ng samut saring emosyon ang dibdib niya, emosyong nagdadala ng nakakapangilabot na pakiramdam sa buong katawan niya. He could feel the tip of his fingers numbing and twitching at t

