Akala rin ni Ahtisa ay mababaon na lang sa kawalan ang lahat ng tungkol sa kanila ni Apollo. Akala niya ay magiging estranghero na lamang sila sa isa’t isa. Inisip niyang ang mga alaala nila ng binata ay magiging kuwento na lang ng dalawang taong pinagtagpo pero hindi itinadhanang magsama habambuhay. Hindi niya talaga in-expect na sa pag-alis niya ay hahabulin siya nito, na gagawin nito ang lahat para lang maging parte uli siya ng buhay nito—na maging parte ulit sila ng buhay ng isa’t isa. Sumuko na kasi siya. Tanggap na niyang hindi para sa kanya si Apollo. Nagpaubaya na siya. Pero si Apollo pala ang hindi kayang ipaubaya siya sa iba. Ito ang ayaw siyang isuko. Naudlot ang paglalayag ng diwa niya nang mainit na sapuhin ng binata ang maliit niyang mukha, at iangat ang mga iyon patingal

