Unang-unang ginawa ni Ahtisa pagkaibis niya ng sasakyan ni Trinidad ay ang tingalain ang tatlong palapag na gusali ng Santa Barbara College. Pinaghalong kulay asul at puti ang kulay ng exterior ng school building. Sumilip si Trinidad mula sa bintana ng sasakyan. “Kumpleto na ba ang mga gamit mo? Mga school requirements? Ballpen? Ang vitamins mo? Iyong ni-reseta sa iyo ng OB-GYN, dala mo ba?” tanong nito, ang tinig nito ay puno ng protektibong tono. Dinaig pa nito ang isang magulang kung mag-alala ito sa kanya ngayon. “Sigurado ka bang ayaw mong samahan kita hanggang sa classroom mo? Kakausapin ko ang guard, akong bahala, papapasukin ako niyan,” anito. Napangiti si Ahtisa pero maagap siyang umiling. Inayos niya ang strap ng bag na nakasukbit sa balikat niya. “Kaya ko na po. Salamat sa pag

