Himas-himas ni Ahtisa ang tiyan, nakatitig sa mga platong nasa ibabaw ng mesa na wala nang laman, habang nakaupo siya sa sofa. Nakahilig pa nang bahagya sa sandalan ang postura ng likod niya. Busog na busog siya. Ang daming in-order na pagkain ni Apollo. Hindi lang dalawa, hindi lang tatlo, kundi nasa pito hanggang siyam yata, hindi pa kasama ang panghimagas doon. Ang ibang hindi nila naubos ay pinamahagi na nila sa EA at mga tauhan ng CEO. “Nabusog ka ba?” tanong sa kanya ni Apollo. Eksaheradong dumako ang mga mata niya sa kanyang tiyan. “Sobra, parang puputok na nga itong tiyan ko. Tingnan mo, na-stretch na nang sobra ang tela ng damit ko.” Natawa si Apollo. “Okay lang iyan. Ang importante ay busog ka, at busog ang baby natin.” “Sayang lang talaga iyong mga niluto kong pagkain.” Napa

