Inihatid si Ahtisa ni Apollo sa bahay ng mga magulang nito. Sa tapat ng malaking bahay humimpil ang sasakyan ng binata. Ito pa ang naunang bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Siniguro nitong ang isang kamay ay nasa bandang uluhan niya habang pababa siya ng sasakyan para hindi mauntog ang ulo niya. “Mag-empake ka na. Pag-uwi ko mamaya ay lilipat na tayo sa bahay ko,” sabi sa kanya ni Apollo. Pareho silang nakatayo sa harapan ng nakapinid na pinto ng bahay. “Gusto mo bang pumasok muna sa loob?” tanong niya sa binata. Umiling ito. “Hindi na. I have to get back to work as soon as possible. I have a meeting in an hour.” Si Apollo ang mismong nagmaneho ng sasakyan, at hindi na nito pinatawag ang personal driver nito. “Okay. Huwag masyadong magpapagod, ha,” paalala niya rito. "At ingat sa p

