“Ahtisa?” Dumako sa direksiyon niya ang mata ng lahat ng mga estudyanteng nasa loob ng silid nang nakatayo na siya sa pintuan. Napatda siya at napatingin sa mga ito. “H-hello. Kumusta na kayo?” “Hala, akala namin hindi ka na babalik dito!” Ang presidente ng klase ang pinakaunang tumayo at sumalubong kay Ahtisa. Gumuhit ang alanganing ngiti sa mga labi niya, at bahagya pa siyang napahaplos sa batok. “Marami lang talagang nangyari sa pribadong buhay ko na dapat ko munang pagtuunan ng pansin, kaya hindi agad ako nakabalik,” pagdadahilan niya. Pumalatak ang isang kaklase. “Pa-espesyal na naman,” komento nito, pauyam. “Akala mo kung sinong bida, eh. Kahit hindi ka na bumalik, okay lang,” sabi nito. Sinaway agad ito ng class president. “Maddie!” “Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Totoo nama

