Habang seryosong nakatutok ang mga mata ni Apollo sa laptop ay biglang umilaw ang screen ng cellphone niya at tumunog iyon. Tinapunan niya ng mabilis na tingin ang aparato at muli na sanang itutuon ang mga mata sa ginagawa nang mag-sync in sa utak niya ang pangalang rumehistro sa caller ID—ang head ng psychiatric care center. Tinuwid niya ang likod at tinaggap ang tawag. “Yes?” “Mr. Altieri, tumawag ho kami para ipaalam sa inyo na isinugod ho sa ospital si Ms. Elara Novaro,” imporma nito sa kanya, mahihimigan ang pagkataranta sa boses nito. Nagsalubong ang mga kilay ng CEO. “What happened?” tipid niyang tanong. Hindi man lang nagbago ang pormal na tono ng tinig niya. “Ahm… s-sinaktan ho ni Ms. Novaro ang sarili niya,” atubiling pagbibigay-alam sa kanya ng kausap. “She harmed herself

