CHAPTER 122

2032 Words

Kumunot ang noo ni Ahtisa nang makatanggap siya ng mensahe mula sa numerong hindi naka-rehistro sa contacts niya. Binuksan niya ang text message at binasa ang laman niyon. ‘Ahtisa, I am Elara’s mother. Gusto sana kitang makausap—nang tayong dalawa lang sana at hindi na kailangang malaman pa ni Apollo. Sa Dixie bistro, sa loob ng Gaston hotel. Mamayang alas singko ng hapon.’ Nagsalubong ang mga kilay ni Ahtisa. Bakit siya gustong makausap ng ina ni Elara? Napabuga siya ng hangin, dahil parang alam na niya kung ano ang pakay nito sa kanya. Mula sa pag-aayos ng mga bulaklak sa vase, mga bulaklak na pinitas niya galing sa hardin ni Apollo, ay hinubad niya ang suot na gardening gloves at nilingon niya ang bodyguard na in-assign ni Apollo para bantayan siya. Habang abala pa si Trinidad sa pi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD