Morphie HUMAYAG ang kanan niyang palad sa aking kaliwang pisngi. Hindi matatanggi ang lapad ang palad niya at ang gaspang nito. Hindi ito kalambutan kung ikukumpara sa palad ng isang babae pero sapat na upang dumaloy ang kuryente sa aking balat. Walang umuusal sa amin ng kahit anong salita- tanging ang pinakikiramdaman lang namin ay ang himig ng paligid at nangungusap naming mga tingin sa isa’t-isa. “Kailan ka magbabalik sa Iraqui?” ang mahina kong tanong sa kaniya. Mainam nalang at iniwan kami nila Noah upang magkaroon kami ng espasyo para sa isa’t-isa at makapag-usap ng malaya. “Ayaw mo na ba akong makasama?” ang lungkot-lungkutan nitong tanong. Malapit sa isa’t-isa ang mga mukha namin kaya’t hindi nagawang makatakas sa pang-amoy ko ang bango ng hininga niya. Hinawi niya ang manipis

