Morphie “NOAH? Sino iyang kasaup mo?” ang tanong ni Mura nang makita niya si Noah. Napansin ko ang paglingon sa akin ng lalaking kasama niya- ang kapitan namin sa hukbong dating kinabibilangan ko. Nagtataka ako sa mata ko dahil tila tumalas ang paningin nito, kahit malayo ang kinalalagyan ko e, napansin ko ang panunuri sa akin ni Chrollo. “Oy nandito na sila. Buti naman at naisipan niyong hanapin ako? By the way, tamang-tama! Halika kayo rito. Morphie is back. Bilis! Lalapit ba kayo or kami pa mag-adjust para sa inyo?” ang sigaw ni Noah. Mukhang may sumabit pang plema sa lalamunan niya. Bakas ang pagkagulat sa reaksyon ng dalawa. Mabilis silang lumapit sa kinalalagyan namin at mukhang hindi nga makapaniwala na ako si Morphie. “Huwag mo kaya kaming lokohin, bhie. Kilala namin kung

