Morphie “SA wakas at nagising ka na.” Oras na pagmulat ko ng mga mata ko, sina Hela, Crozzette, at ang sinasabi ni nanay na si Wahganda ang agad na bumungad sa kamalayan ko. “Nandito na ulit ako sa Lepidoria?” ang siyang tanong ko sa kanila. Nakaka-intimidate ang tingin nila sa akin at tila sinusuri ang katauhan ko. Kung hindi ko narinig ang paliwanag ng mga magulang ko, magtataka talaga ako kung bakit kasama nina Crozzette at Hela ang nilalang na pumaslang sa akin. Napansin kong nakahiga na naman pala ako. Walang humpay na higa nalang ang role ko. Pash-nae-nae na iyan. Sa tingin ko, magkakaroon na ng kalyo ang likuran ko. “Yes, you’re back. You are here, again,” ang siyang sagot ni Crozzette sa akin. Ibig sabihin, sila ngang dalawa ang tinutukoy ni nanay na kaibigan ni Wahganda? T

