Morphie BINUKSAN ko ang talukap ng mga mata ko. Bumungad sa akin ang mala-paraiso at mahiwagang lugar. Mga malilit na paruparong nagsisiliparan na nagtataglay ng mga kakaibang kulay. May makikinang na mga insektong hayag ang matiwasay na halimuyak at liwanag. Nasaan na naman ba ako? Alam ko na hindi ito ang Flora Herbala dahil kakaunti lamang ang bilang ng makukulay na halaman at bulaklak. Sa lugar na ito ay puro kulay puti lamang ang nakikita ko. Naramdaman kong nakahiga ako sa malambot na higaang puti na puno ng mga kulay rosas na bulaklak. Inangat ko ang katawan ko. Saglit akong pumikit at inaalala kung ano ang huling nangyari sa akin dahil wala akong matandaan sa mga oras na ito, kahit ni isang detalye. Huminga ako ng malalim at pilit na inalala kung ano ngunit nabigo ako dahil

