Morphie MAAGA kaming gumising magkakaibigan upang gumawa ng panibago naming masisilungan. At the same time, para makapagsanay habang malamig pa ang paligid. “Lively morning, Morphie!!” ang masiglang bati sa akin si ni Noah. Kapansin-pansin na siya ang pinakanaunang nagising sa aming tatlo. Nagluluto siya nang kakainin namin for today’s vidyow. Kung isusuot mo ang mapangkilatis mong isip, may bahay na ang datingan ni Noah sa mga oras na ito. “Good morning din, ma'amshie Noahs! Anong pumasok diyan sa kokote mo at ang aga mong gumising?” ang sagot ko naman sa kaniya habang nag-iinat-inat pa. Ginigising ko ang diwa ko sakaling may-jetlag pa ako mula sa pagkakatulog. “Eh, kailangan iyon. Bago natin umpisahan ang araw na ito dapat ay puno ang tiyan natin ng mga healthy fruits,” ang sabi

