Morphie "NOAH? Saan kayo pupunta?" Ito ang kaganapang tumambad sa diwa ko... kitang-kita ko gamit ang dalawang mata ko ang mga bibit nina Noah at Mura na mga kagamitan namin. Bakit ang mga nilalang ay nagtitipon-tipon at tila may pinagkakaisahan? Hindi naging maganda ang kutob ko nang makita ko ang pagtulo ng dugo sa ulo ni Noah. Anong nangyayari? "Magsi-alis na kayo mga bakla! Huwag niyo nang hayaan pa na makarating ito kay Heneral. Panigurado, mas lalo kayong mananagot sa pagbabalat kayo niyo!" ang kantiyaw ni Pedro sa kanila sabay hagikgik ng malakas. Hindi siya nag-iisa dahil suportado siya ng kaniyang mga punyetang kaibigan o alagad. Bahala sila. Basta ang tanging alam ko lang ay ang papangit nilang lahat. Periodt! "Morphie? Nagbalik ka na!" Nagulat si Noah nang makita niya akon

