Morphie SA pangalawang pagkakataon ay minulat ko ang mga mata ko. Naramdam ko ang ulong nakadagan sa aking kamay. Pinalinaw ko muna ang paningin ko, at natanaw ko rito ang natutulog na si Kapitan, nakaulo siya sa aking kamay. Walang pinagbago ang lugar kung na saan kami. Naririto pa rin kami sa Lupain ng Flora Herbala. Napagod na si Kapitan sa paghihintay sa akin kaya hindi na nito rin namalayan na nakatulog siya. Nakikitili ako sa nililikha niyang hininga na tumatama sa aking palad. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ng napakalapit ang mukha niya. Tila isa siyang anghel na natutulog, at inosente sa lahat ng bagay. Pinilipit kong hindi makalikha ng kahit anong paggalaw sa pag-aalala na maabala ko ang pagpapahinga niya. Ito ang oras ko para ako naman ang sumuri sa kaniy

