Morphie “ANONG nangyari sa iyo bakla ka?! Kung prank lang iyang mga galos mo sa katawan ay hindi ako natutuwa! Dadagdagan ko pa iyan, if ever!” ang nag-aalalang tanong sa akin ni Noah nang makarating ako sa kubo namin. “Napalaban ako kanina sa himpapawid,” ang sagot ko. Naupo sa malaking tipak ng bato. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dugo sa aking katawan. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto na hindi pambibiro ang ginagawa ko. “Shutang-ina! Sooo, true nga?” ang sigaw niya. Lumingon siya sa gilid niya at tinawag ang atensyon ng kasintahan. “Mura! Tawagin mo si Kapitan. Kailangan nanggagamot kay Morphie!” ang pagkukumahog ni Noah. “Huh? Bakit? Anong nangyari?” ang naguguluhang tanong ni Mura. Nasa labas kasi siya. Pumasok siya sa loob at nakita ang nagdurugo kong braso. “A

