Morphie
“WHAT a spectacular bonggalecious palace, mami Morphie!” ang bulong sa akin ni Noah. “Ano, is this the place ba where perfume lives? Ang banggo ih. Ito ang mabagong amoy na hindi ko nagawang maanoy sa inyo!”
Is it mandatory na kapag pinupuri niya ang isang bagay? Kailangan ay may lalaitin din siya? Hmmm… I will serve nalang my pangangati ng kamay kay Noah. I’ll let it out kapag kami nalang dalawa.
“Ang ganda naman dito!”
Tama ang mga kasamahan namin. Sobrang ganda nga sa lugar na ito. Alam niyo na mukhang perpekto siyang hinulma ng kalikasan na may tulong ng mga sari-saring orasyon. Mapapasabi ka nalang, ‘Sana all maganda. Sana all favorite ni God’.
Sa mga oras na ito, para akong nabubuhay sa isang imahinasyon ko kung saan nakatungtong ang mga paa ko sa dalisay at munting paraiso. Hindi ko akalain na ganito kaganda ang lupain ng Flora Herbala. Wala akong kahit isang idea sa malawak na imahinasyon ko na ganito nga kaganda ang lugar na matatanaw ko rito ngayon.
Nakapupukaw ng pansin ang kumikinang na mga bulaklak. Makukulay ang mga ito, kumbaga, parang ang isang bulaklak ay mayroong isang combination ng tatlong kulay. Iba't-iba ang kanilang mga sukat. Mayroong sobrang laki, at mayroon din naman na katamtaman lang ang sukat.
Sa madaling salita, sila’y nakabibighani. Not only the colorful flowers are the special things you can see here, but also the different varieties of walking and talking plants who bestowed the great power to heal.
We are just standing here at the gate of the palace. Alam ko, sa loob mismo ng kaharian ay mas marami pa kaming magandang masisilayan.
Kung ika’y isang binata at balak-balak na umakyat ng panliligaw, tamang-tama lang ang lugar na ito para sa iyo. Dito mo matatagpuan ang mga uri ng bulaklak na tutulong sa iyo upang makuha mo ang matamis na oo ng taong sinisinta mo. Oh, jivaaaa!? Let’s go na here in Flora Herbala where you can all taste what we all called as Paradise! Morphie, the purpose why we are here is to seek for healings not to make advertisement.
Bumukas ang gate na gawa sa mga matatalim na halaman. May sumalubong sa aming dalawang kulay Lilang Bulaklak. Hindi na ako nagtaka na may kakayahan silang magsalita. Lahat nga ay mahiwaga sa mundo namin. May taas silang kalahati ng laki ko, at kasalukuyang nakalutang ang katawan sa ere.
“Maligayang pagtuntong muli sa Flora Herbala, Heneral Herbes at sa mga magiting na mandirigmang Fairouah,” ang bungad na salita nila sa amin. Nadako ang tingin nila sa mga sakay ng mga Apisaw. “Mukhang alam na po namin kung ano ang maipaglilingkod namin sa inyo.” Naramdaman agad nila na kailangan ng mga kasamahan namin ng tulong nila.
Inanyayahan nila kaming makapasok sa loob ng kaharian. Gayundin ay ginabayan nila kami papasok sa tirahan ng Reyna. Nang matanaw ng mga halama’t bulaklak ang aming pisikal na pagdating ay kumuyo ang mga ito. Ito maharil ay bilang pagbibigay nila ng respeto sa Heneral at mga kapitan. I think, it’s also their way of welcoming their visitors.
One thing that greatly affects my mood except for the stunning and astonishing sceneries is the discipline of everyone here. I won’t be amazed if it will be super happy to live here, to be part of their community.
“Mahal na reyna Aprona, nandirito po si Heneral Herbes mula sa Lepidoria, kinakailangan po nila ng tulong natin. Biglaan pong sinalakay muli ng mga Mutuah ang kampo ng Iraqui kung saan nagsasanay ang mga bagong miyembro ng Cavalleros,” ang wika ng isang bulaklak na gumabagay sa amin.
Nakatalikod ang mahal na reyna. Kahit na hindi siya nakaharap sa amin ay kapansin-pansin ang kumikinang niyang aura. I am super excited to witness her purity.
Dahan-dahan itong humarap sa amin… otomatikong nabighani ang munti kong mga mata sa kagandahang tinataglay ng mahal na reyna. Ang pisikal nitong anyo ay tila nangungusap ng iyong pagsamba sa kaniya bilang paglalaan ng pagpupugay. Kahit hindi niya mismo hilingin ito ay kusa kaming yumuko sa harapan niya, kabilang na sa amin si heneral Herbes.
Anyong tao ang pinaka katawan ng mahal na reyna. Sobrang puti at kinis naman ng kaniyang mukha kung saan pinalilibutan ng mga kulay rosas na bulaklak ang kan'yang bawat talulot. May korona siyang tila gawa sa yelo at may hawak na makulay na baston. Doon maharil nanggagaling ang kaniyang kapangyarihan.
“Magandang araw, mahal na reyna, Aprona. Kagaya nga nang kung ano ang binanggit ng isa sa inyong katiwala. Kinakailangan po namin ng tulong niyo sa lalong madaling panahon habang ang natamong sugat ng bawat isa ay hindi pa ganoon kalala,” ang saad ni heneral sa mahal na reyna.
Lumapit sa amin ang mahal na reyna sa pamamagitan ng paglutang. Wala ata siyang kakayahan na magsalita? Bakit hindi siya sumasagot? O mayroon siyang ibang paraan ng pakikipag-komunikasyon?
May lumabas na liwanag sa kaniyang noo. Walang kaming tinig na naririnig ngunit may lumabas na mensahe sa tulong ng liwanag. Tunay na mahiwaga ito!
'Dalin sa hardin gamutan ang mga nasugatan. Mabilis silang alayan ng mga inuming gamot. Hayaan silang maiglip ng ilang sandali. Sa oras na dumilat ang kanilang mga mata, wala na ang kanilang mga sugat. Magaling na sila.’
“Siyang masusunod mahal na reyna.” Lumipad palapit ang mga halaman sa mga nasugatan. Tinuro nila ang daan patungo sa sinasabi ni reyna Aphrona na hardin gamutan.
Naiwan si Heneral upang kausapin ang mahal na reyna Aphrona. Kami naman ay sumama sa Hardin Gamutan. Nais kong pumasyal sa lugar, ito ay magiging possible kung bibigyan kami ng pahintulot ng mga manggagamot na halaman.
Lahat ata sila ay may kakahayan na manggamot. Hindi ko lang alam kung ito lang ang kanilang katangi-tanging abilidad.
Hindi na kami tuluyang pinapasok pa sa loob kung saan mismo gagamutin ang mga kasamahan namin. Naiwan kami sa labas ng hardin. Maaari raw kaming maglibot pero ang pinakabilin ng mahal na reyna ay huwag magtatangka na sumira at pumitas ng kahit anong bulaklak o halaman na makikita namin. Kahit ano pa man ang iyong dahilan basta ito’y walang paalam sa mahal na reyna, ito ay maituturing na isang pagtataksil. Ang nilalang na gumawa nito ay papatawan ng nararapat na parusa.
“Ako si Wahla. Sino ka naman taong paruparo na may pilak na pakpak?” ang tanong sa akin ng halamang mukhang espada. Nagulat ako sa kaniya dahil bigla nalang niya akong kinausap.
I think, I am safe naman at hindi niya ako tutusukin ng matalim niyang katawan.
“Huwag kang matakot sa akin. Hindi ako nananakit. Mabait ako at pinagbabawal ang p*******t sa mga bisitang katulad niyo, lalong-lalo na sa inyong mga Fairouah na kaanib ng aming reyna. Huwag kayong mag-alala, sandali lamang ang itatagal ng panggagamot. Maghihilom din ang mga natamo nilang sugat at galos,” tuloy-tuloy nitong salita. Ang kulang nalang siguro ay maikuwento na niya sa akin ang buong happenings sa buhay niya.
“Ako si Morphie, Wahla. Ang bait mo naman.” Nginitian ko siya. Ang approachable nitong si Wahla. Feel free siya to say anything.
Nakita ko pa ang mga iba’t-ibang uri ng halaman. Mayroon mga matitinik ang katawan at mga petals. Mayroon ding sobrang liliit ang sukat, napaka-cute. Ang sarap kumuha ng isa pero hindi ako papayagan ng reyna. Iyong iba ay may matatalim na mga tinik sa bibig nila. Tila manlalamon sila ng buhay. Paglabas mo ay gula-gulatin kana.
Umalis na si Wahla nang walang paalam sa akin. Nagpakilala lang siya? Now I understand kung bakit ang dami niya kaagad sinabi sa akin, isang salita lang pala ang gagawin niya. Iiwanan na ako rito nang walang pasabi manlang.
Napatingin ako sa makapal na berdeng banging na gumagalaw. Malaki ang pagkakahalintulad no’n sa singsing ko kapag ito ay naging baging na armas.
Sandali, nandito ako sa mundo ng mga halaman. Hindi kaya sa lugar na ito orihinal na nagmula ang latigong singsing na binigay sa akin ni nanay? Dito ito nakuha ni Crozzette?