Morphie
MAY tinig na tumatawag sa akin. Nagmumula ito sa mga dambuhalang baging. Hindi ko mapigilan ang mga paa ko dahil kusa ang mga ito na gumagalaw, tila may sariling buhay akong dinadala patungo roon. Nang malapit na akong makarating, may panibago na namang tinig ang narinig ko sa kaliwang tainga ko.
“Bawal ka riyan, Morphie.”
Ang buong pag-aakala ko, umalis na si Wahla sa tabi ko ngunit bumalik siya. Hindi siya katulad nang iba na permanente nang umaalis at hindi na aasamin na bumalik pa. Siya ay bumalik sa tamang panahon. Iyong panahon na kailangan ko siya. Ang lalim naman ng sinasabi ko. Mukhang nahahalata na mayroon akong pinanghuhugutan kahit wala naman.
“Bakit bawal ako rito?” ang pagtatanong ko sa kaniya upang mabura sa akin ang pagiging ignorante pagdating sa bagay na ito.
“Hindi ka naman taga-rito sa lugar namin. Baka gawin ka niyang pagkain.” Kumabig paurong ang mga paa ko nang marinig ko ang paliwanag niya. Hindi nga ako nawalan nang buhay sa ginawang paglusob ng mga Mutuah sa amin, baka sa mga berdeng baging pa na ito humantong ang pagkamatay ko.
“Delikado sila. Kusa nilang nililinggis ang mga nilalang na naliligaw sa lugar na ito. Hindi ko maintindihan ang ugali nila. Sa iba lang sila nagiging agresibo ngunit pagdating sa amin, hindi naman.”
May mga ganoong naman talagang uri ng nilalang. Kapag hindi pamilyar sa kanila ang isang bagay, otomatikong lumabas ang aktibasyon ng pagiging alerto nila upang gumawa ng nararapat na aksyon.
“Salamat, buti nalang at dumating ka. Baka nga naging pagkain na ako,” hayag ko nang may gaan ng kalooban sa halaman na binigyan ako ng panibagong impormasyon. Mali ang akala ko na may kinalaman ang singsing ko sa kanila. Hindi naman ito nagiging agresibo. Kapag may kalaban lang, oo.
Sandali, parang may koneksyon ang sinabi ko na nagiging agresibo kapag may kalaban. Ibig sabihin, alam ko na, nakuha ko na ang pinupunto nito. Ang tingin sa akin ng mga berdeng baging ay isang kalaban kung kaya’t nagiging alerto sila kapag may lumalapit sa kanila na hindi tagarito sa kanilang lugar. Ganoon din ang aking singsing.
Adi ibig sabihin nito, maaring may kaugnayan ang singsing sa mga berdeng baging na ito? Hindi ko naman ito malalaman dahil nandito si Wahla. Hindi ko maaaring ipakita sa kaniya ang tinatago kong kapangyarihan.
Kalilimutan ko nalang na walang koneksyon ang singsing ko sa kanila. Pero ito na naman ako, bakit tila nangungusap sila sa akin kanina? Naririnig ko ang pagtawag nila sa isipan ko. Hay, Crozzette, huwag mong guluhin ang isip ko, kung puwede lang sana. Kung puwede lang naman, ako’y iyong lisanin. Zharotskie!
“Papalapit na sila...”
Nawala na si Wahla pero nakakikilabot ang paraan niya nang pagsasalita. Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko ang dalawa kong kaibigan, sina Mura at Noah na naglalakad palapit sa akin.
“Morphie, kanina pa kami hanap nang hanap sa iyo,” ang hingal na sabi ni Noah nang makarating sila sa kinalalagyan ko. Sa hingal niya, kung susumahin ito ay maikukumpara ko na para bang tinakbo niya ang buong lupain ng Insectia.
“Namamahinga lang ako rito,” ang sagot ko naman. “Saan ba kayo nanggaling at parang hingal na hingal kayo?”
“Akala nga namin, nadakip ka na ng mga Mutuah. Bigla-bigla ka nalang kasing nawawala, nakarating ka na agad sa mga baging na mamahinga ka lang pala,” ang linya naman ni Mura.
“Kumusta ba ang mga ginagamot?” tanong ko sa kanila. Naglakad-lakad na kami pabalik roon.
“Ayon, kasalukuyan pa ring ginagamot. Buwisit kasing mga Mutuah na iyon. Hindi pa tayo nakakapagsanay. Umariba na agad sa pag-atake,” dama ko ang matindig pagkabuwisit sa mukha ni Noah.
“Maglibot-libot muna tayo sa lugar,” ang anyaya ni Mura. “Hindi ko alam na may lugar pala na ganito kaganda.”
“Pereng keseng gende ko ba?” si Noah.
“Huh?” Hindi siya naintindihan ni Mura. “Tara na nga Morphie, iwanan na natin iyan, kung ano-ano ang pinagsasasabi.” Nauna nang bumaling ng ibang direksyon si Mura at nasa likuran naman niya kami ni Noah.
“Tigil-tigilan mo kasi ang pagiging betla mo minsan. Baka mahalata ka na niyan,” ang paalalang bulong ko kay Noah. Kahit kaibigan na namin si Mura at nakuha na namin ang loob niya ay hindi pa rin namin nararapat na sabihin sa kaniya ang tunay naming kasarian. Baka nga hindi pa ito ang tamang panahon. Ito nalang ang paalala na babaunin namin. Isa pa, kailangan din namin malaman akung ano ang tinatago ni Mura.
“Bff naman na natin si kuya mong boy na mukhang ateshing girlalut na minsa’y lublob sa regla at may times naman na fresh-fresh ang moodsung.”
Bilisan ko ang paglalakad ko dahil nahilo ako bigla sa mga salitang binitiwan ni Noah. Wala sa bokabularyo ko ang mga ganoong salita. Wala akong ideya kung saang lupalop niya iyon nakukuha. Mga basic lang ang nauunawaan ko.
“Pinag-uusapan niyo na namang dalawa ni Noah ang kaguwapuhan ko,” ang pagmamayabag sa akin ni Mura.
“Saang banda?” Naniningkit na tanong ko sa kaniya habang sinisipat nang mabuti kung saang banda ng mukha niya makikita ang sinabi niyang kaguwapuhang tinataglay niya.
“Idilat mo kasi ang mga mata mo. Hindi mo talaga makikita kapag nakapikit ka. Ala e, Morphie. Akala ko pa naman ay matalino ka. Sino kaya ang makakakita nang nakapikit?” Pinagtawanan niya ako na parang isang napakalaking pagkakamali ang nagawa ko sa buhay ko.
“Nasugatan na’t lahat-lahat ang mga kasamahan natin. Nakuha niyo pang humagikgik ng tawa?” Nanlaki ang mga mata namin nang biglang sumulpot si kapitan Chrollo sa harapan namin. Moody na naman siya ulit. Minsan madaling kapain ang ugali niya, paminsan din naman ay naku, ayaw nalang mag-talk baka masapak pa niya ako.
Umayos kami ng tindig at humingi ng patawad kay Kapitan. Guilty kami na mali nga ang ginawa namin. Wala kami sa tamang momento para magbiruan ng ganito.
“Walang binabang utos sa atin ang reyna Aphrona na maaari tayong maglibot-libot sa lugar. Dapat ay nanatili lang kayo sa hardin gamutan kung saan kayo iniwan ng mga halaman,” ang saad nito.
Eh teka lang, look who’s talking? Bakit siya ay naglilibot din? Hindi porket kapitan siya ay exempted na siya mga ganitong bagay. Anak siya ng heneral, pero hindi siya ang pinakamataas, hindi siya favorite ng Diyos, we are all equal in His eyes.
“Nais lamang po naming alisin ang kirot sa aming dibdib dulot nang nangyari kaya po naisipan naming maglibot-libot sa paligid. Ang pagkakamali lamang po namin ay hindi namin nagawang magpaalam sa inyo.”
“Tsk… anong kirot sa dibdib ang sinasabi mo? Walang panahon para isipin ang mga gan’yang kahinaan. Hindi pa nagsisimula ang gulo at pagkawasak na makikita niyo sa oras na magtakda nang pormal na digmaan ang mga Mutuah.”
Kapitan seems to invalidate our feelings and the way we cope with things. Not all the time, we need to be strong; unexpected things will come and we will be vulnerable to certain areas that we can’t totally avoid.
Ang ginagawang panggugulo ng mga Mutuah ay naglalayon na kumbinsihin kami na ibaling ang pananampalataya namin sa panginoon nilang si Alluah na matalik na kaaway ng aming Diyos na si Jesuah. Hindi pa namin sila nakikita, pero sila ang pinaniniwalaan namin na lumikha sa mundo ng Insectia. Pagkaganib sa kapangyarihan lang naman ang dahilan kung bakit paulit-ulit nangyayari ang walang katapusang labanan, isang siglo na itong nagaganap pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating sa dulo.
Ngayong isa na ako sa mga Acrusa. Muli kong ipaaalala sa isip ko, isa ako sa magiging daan upang humantong sa katapusan ang walang katapusang digmaan.
“Bumalik na kayo sa mga kasama niyo.” Tinalikuran kami ni Kapitan at naglakad na siya pabalik sa hardin gamutan.
“Alam ko kung bakit mainit ang ulo ni Kapitan.” Tumingin kami ni Mura kay Noah na nagsalita nang makalayo-layo sa amin si kapitan.
“Ano?” sabay naming tanong.
“Hindi niyo ba napansin? Kulang siya sa pakikipagtalik. Puro pagsasanay nalang ang pinagkakaabalahan niya kaya minsan ay mainit ang ulo niya.” Tuluyan ko na talaga siyang nasaktan ng pisikal.
“Alam mo, Noah. Mas maganda siguro kung pakainin ka nalang namin ng lason para matahimik na ang buhay namin.” Kanina pa talaga ako nanggigigil sa kaniya. Kung ang bulkan nga ay sumasabog so I do.
“Tama si Morphie. Sandali nga, at maghahanap-hanap na ako,” si Mura naman. Total ang reactions ang binigay niya dahil full pack ang paglingon at paglinga niya sa paligid.
“Gusto niyo talaga na mawala na ako sa feeling niyo? Puwes, ako ay ayaw ko! Hindi… ito na talaga!”
“Siguraduhin mo lang na matino ang sasabihin mo dahil kung hindi…” ang paninigurado ko nang paulit-ulit.
“Matino na nga!” Tinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang tanda na siya ay magsasabi nang matino at hindi gagawa ng kung ano-anong salita.
“Hindi maganda ang timpla ni Kapitan ngayon kasi nasasaktan din siya na maraming nasugatan sa hanay na hawak niya. Unawain nalang natin siya. Intindihin natin kung saan nanggagaling ang rason niya kung bakit ganoon ang tono ng pananalita niya. Kaya siguro naglililibot din siya ngayon, dahil katulad natin, gusto niya ring mailabas ang stress ang niya.” Seryoso na nga si Noah sa mga oras na ito. “Hindi niya lang masabi sa atin. Maybe, he equipped since the day one not to show weakness at all cost.”
Malaki ang binawi niyang puntos sa magandang binigkas niya. Tama nga naman na bago tayo manghusga sa aksyon ng iba, alamin muna natin kung ano ang pinanggagalingan ng kanilang aksyon. Baka nga normal na sa bawat isa na manghusga kahit hindi naman inaalam ang buong pangyayari. Guilty ako na naasar ako kay Kapitan sa hindi magandang tonong binato niya sa amin.
Mabigat nga naman ang obligasyon na nakaatang sa kaniyang bakilat. Nape-pressure siya kaya ganoon. Hindi ko nga pansin kung may nakakausap pa ba siyang iba bukod kay Oliver at sa ama niyang si Heneral na pinakapunong abala sa mga bagay-bagay.
Naalala ko tuloy nang makausap ko siya nung nalasing siya. May narinig na ako dati, hindi ko naman sinasabi na totoo, pero ito iyon, kapag nakainom daw ang isang tao, kung ano ang magandang ugali na pinakita niya that time, ito talaga ang likas na ugali niya. But after na mawala ang tama ng inuming nakalalasing, may bagay na pumipigil sa kaniya na mailabas ito every day.
Magaan kausap si Kapitan nung gabing iyon. Gusto ko ulit na makausap siya nang kami lang dalawa. Walang malisya involved, professional na pag-uusap lang sa pagitan ng Kapitan at ng isa sa kaniyang mandirigma.