Chapter 24: HUH?

1387 Words
Morphie             NANG makabalik kami sa hardin gamutan ay nadatnan namin roon na nakaupo sa silyang bulaklak si heneral Herbes, at katabi naman niya ang tatlong kapitan ng bawat hukbo. Samantala, si reyna Aphrona naman, ay nakalutang mula sa ere na akala mo ay panguhaning pandangal sa isang pagpupulong.            Agaw pansin siya. Hindi pa naman gusto ni Noah na nasasapawan siya kaya ihanda na ngayon pa lang ng mahal na reyna ang sarili niya dahil sigurado ako. Kapag nagalit si Noah, wala siyang palag.            Hoy, hindi ko perspective iyan. Baka may nilalang lang na gustong sakupin ang pagiging banal ng isip ko. Layuan niyo ako masamang espiritu! Maayos naman ako kanina ah? Bakit ako nagkaganito? Sabihin niyo sa akin kung anong nagawa kong mali para pagdusahan ang lahat ng ito na hindi ko naman ginawa at ginusto na mangyari? Kapag naipaliwanag niyo sa akin ng maayos nang hindi sinisira ang reputasyon ko bilang isang mabuting nilalang. Doon pa lang ako su-surrender sa inyo at iaalay ang aking buong pagkatao.            Commercial lang iyan! Ako na ulit ito si Morphie. Hindi naman kataasan ang angat ni reyna Aprona mula sa lupa. Sakto lang. Kaya ko pa naman siyang abuti ng kamay ko kung iyon ay gugustuhin ko. Sa tingin ko, kahit ilang siglo ang lumipas ay hindi maaalis ang mga ningnig sa katawan ng reyna. Hindi ako magaling sa paglalarawan ng pisikal na itsura pero isang salita lang ang tanging masasabi ng bibig ko, ‘Marikit.’ Kaya ko sigurong ubusin ang oras sa isang araw ko nang walang ginagawa at nakatingin lang sa kaniya.Ganoon ko siya iniidolo. Kung gusto pa niya ang bambuhin niya ako ng walang humpay o kaya naman ay apak-apakan sa mukha. Ayos sa lang sa akin. Morphie, hala! Umayos ka. Ano bang nangyayari sa iyo ngayong araw? Ganito ba ang dulot sa iyo nang kagandahan ng reyna? Hindi ko alam. I can’t explain. Maybe, the queen has the power to hypnotize us? O baka ako lang. She has the power to unconsciously manipulate my mind? Iniwas ko na ang tingin ko sa mahal na reyna, naramdaman ko kasi na unti-unti nang tutulo ang laway sa bibig ko. Mahirap na, baka ang mabangong amoy ay mapalitan ng isang hindi kaaya-aya. Ayaw ko na ang hininga ko ang maging dahilan para mabulok ang mga ilong ng mga nasa paligid ko. May mga nakatapal na iba’t-iba uri ng dahon sa katawan ng mga kasamahan namin. Sa parte kung saan mismo sila napuruhan. Ang pag-aakala ko, may ipapainom lang sa kanila ang mga halamang manggagamot, at otomatiko na nang gagaling ang mga kasama namin ngunit hindi pala gano’n. They didn’t meet my expectation. I thought, they are one of the best here, but I was just a pure thought. Kidding. Sa kaso siguro ng mga kasama ko, kinakailangan ng mas ekstensibong gamutan para sa kanila.            “Kanina ko pa iniisip ang salitang aakma upang ipaliwanag ang halimuyak na hatid ng mga bulaklak at halaman dito sa hardin,” ang wika ni Noah. Ito pala ang nasasabihin niya. Kanina ko pa nga rin siya nakikita na parang nag-iisip ng malalim. Ito pala ang nilalaman ng isip niya. Ilang oras na rin kaming naririto pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get-over sa ganda ng paligid at alam kong ganoon din si Noah. He also loves aesthetic sceneries like this one. It helps on easily relieves our pain, and stress.            “Perpekto’t mahimuyak!” ang sagot ko habang nakangiting nakatingin kay Kapitan. Napangiti ako dahil nakita kong nakangiti na rin si Kapitan ngayon. Hindi katulad kanina na parang pasan-pasan niya ang mundo. Magaan ang pakiramdam niya at wala na ring bumabagabag sa isip niya.            “Ang kire mo ba talaga, Morphie!” Pa-simple akong kinurot ni Noah sa tagiliran ko. Iyong simpleng kurot niya. Parang hindi, simple. Masakit e. Sinadya niya talagang lakasan ang pagkurot. Kilala ko si Noah at alam ko ang mga pakulo niya sa buhay. Nahalata pala niya ang ginawa ko. Ngayon ko lang kasi talaga na nakita nang mas maayos at maaliwalas ang mukha ni Kapitan. Kung pagiging makire ang tawag doon. Sige, gusto ko nang maging makire.            “Morphie.” Sumulpot sa tabi namin si Psyher. Akala ko kung sinong insekto ang tumabi sa amin. Hahampasin ko na dapat siya pero nakita ko ang matamis na mukha ni Psycher. Hindi ko na ginawa. May malapad na ngiti ang labi niya. Na-miss siguro ako ng lokong ito?            “Oh, Psycher? Buhay ka pa palang loko ka!?” ang pambibiro ko at tumawa nang mahina. Pabiro ko siyang sinuntok sa braso niya para naman tingining astig no? Imbis na dapat ay siya ang masaktan kasi ako ang nanuntok, feeling ko, namula pa ang kamao ko. Tinago ko nalang para hindi nila mapansin.            “Nabuhay ako dahil sa pag-aalala mo sa akin,” ngumisi si Psycher. Sinupalpal ko ang bibig ni Noah dahil nararamdaman ko, nararamdaman ko na makiki-epal siya.            “Aray naman! Inggit ka ba sa labi ko? Pagawa ka rin kung bet mo ng ganito!” Ayan-ayan dapat ang sasabihin ni Noah kung hindi ko natakpan ang bibig niya. Hindi ba nakakahiya?            “Ngek, ano ‘yon may kapangyarihan ang pag-aalala ko?” tanong ko. Kung may kakayahan lang din pala ang pag-aalala ko na makapagligtas ng buhay. Gagawin ko na ito sa lahat ng kasama namin para wala nang magdusa at mahirapan! “Eh kasi naman, grabe kang magtanong. Parang hindi masaya na iligtas ako at nabuhay muli?” saad ni Psycher. Kung alam niya lang kung gaano nagkukumahog ang puso ko nang malamang ligtas siya at galos lang ang natamo niya. Siguro doon mauunawan niya ang desisyon ko na lisanin sila? Zhar!            “Hoy, tol ikaw pala iyan!” para-paraan naman ni Noah. Si bakla, parang hindi niya nakita si Psycher kanina pa. Hmmm… parang may naaamoy akong malansa? Huwag niyang sabihin na may gusto siya sa kababata ko? Naku, huwag na siyang magtangka! Ako na ang nagsasabi. Hinding-hindi siya liligaya dahil hinding-hindi ko hahayaan na maging sila! Periodt. Itago niya sa bato.            “Oy brad Noah. Kanina ka pa d’yan ah? Ngayon mo lang ako nakita? Mukhang malabo na ata ang mata mo,” ang bati ni Psycher sa kaibigan kong hunyanggo.            “Oo, pre! Medyo palabo na nga habang nagtatagal...” pasulot ni betla. “Malaki pala ang katawan mo? Ngayon ko lang napansin. Akmang-akma talaga sa iyo na maging isang Acrusa,” pinigilan ko ang matawa dahil sa reaskyon ni Noah nang puriin ni Psycher ang laki ng pangangatawan niya. Borta ka, ghorls?            “Ah, oo brad!” unting-unting nawala sa mood si Betla. Pero nakaisip siya ng paraan para bumalik ang saya niya. “Ikaw rin! Ang lalaki, oh. Ano nga pala ang binubuhat mo? Puwede ko bang hawakan iyan, pre?!” Hindi na niya hinintay ang sagot ni Psycher. Pinisil-pisil niya ang muscles ni Psycher sa braso na akala mo ay namimili ng pipitasing bunga ng prutas mula sa puno.            “Kailan kayo ako magkakaroon ng ganiyan? Ang tigas-tigas pre, oh. Sarap hawakan!” Abi, talaga namang nag-enjoy ba siya?            “Ehem! Tama na sa pagpisil. Baka malamog iyan ha. Mabulok pa,” ang pagsingit ko. Halatang-halata naman kasi ang pagka-bakla ni Noah. Barbie doll siya at hindi bayolang bortames.            “Bakit ka nga pala nandito Psycher? Baka hanapin ka ng kapitan mo. Ayaw pa naman ni kapitan na nalalayo ka sa tabi niya,” ang saad ko.              “Wala naman. Gusto ko lang kitang makasama? Bakit? Kapag ba lumapit ako sa iyo, kailangan ay may kailangan ako? Hindi naman ako hahanapin ni Kapitan. Nasa harapan lang natin siya,” sagot ng kaibigan ko.            “Sabagay.” Welcome naman siya kahit kailan niya akong gustong makasama. Hindi siya marunong magsawa sa mukha ko.            “Tol, mukhang ayaw kang kasama ni Morphie. Huwag kang mag-alala, ako nalang ang sasama sa iyo,” si Noah.            “Ah… sige okay lang. Kaya ko naman mapag-isa. Sanay na ako,” ang sagot ni Psycher at napakamot ng ulo.            Natigil kami sa pag-uusap nang biglang sumulpot ang beteranong Lethalia sa harapan at naghatid ng hindi magandang balita. “Heneral, muli na naman pong lumusob ang mga Mutuah sa pamayanan ng mga Kampensina. Kinakailangan na po nating tumungo roon.”            Ano raw? Tama ba ang naririnig ko? Lumusob na naman ang mga Mutuah? Na-naman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD