Morphie
HINDI ba sila magsasawa sa paghahatid ng gulo? Ang pamayanan naman namin ang tinibok ng puso nila at ito ang napiling bigyan ng matinding kadiliman. Nakapag-recharge na ba sila ng ganoon kabilis? Hindi ba’t katatapos pa lang nila na lusubin ang kampo namin sa Iraqui at hindi pa kami fully nakaka-recover sa dinulot ng kanilang pagsugod, may panibago na namang eventchinie na kailangan naming daluhan?
Si nay Indang at Meera agad ang pumasok sa isip ko. Baka kung ano ang mangyari sa kanila. Sila nalang ang natitira pamilya kong yumakap sa akin at nagbigay sa akin ng suporta. Hindi ko na kakayanin pa kung may mangyayaring hindi maganda sa kanila.
Tumingin sa akin si Psycher. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at nakarehistro rin doon ang matinding galit. Ang lugar namin ngayon ang nasa alanganin kaya hindi naiintindihan ko kung bakit ganoon ang reaksyon niya.
“Hindi titigil ang mga Mutuah hangga’t hindi natin ginagawa ang nais nila,” ang sabi ni Heneral. Siya nga heneral, kaya hangga’t maaga-aga pa, baka magdesisyon na kayo ng mas mainam na gawin for the welfare and public good.
“Ilan ang bilang nila?” ang tanong ni Heneral Herbes sa nagbalita sa amin. Tinignan ko ang mga kasama ko. Ang lahat ay mas mabilis pa sa isang segundo na nagsipaghanda.
“Ayon po sa nasaksihan namin, Heneral. Hindi po karamihan ang mga Mutuah na sumugod sa Kampensina kung ikukumpara sa bilang ng sumugod sa Iraqui,” ang paliwanag ng mensahero.
Tumingin si heneral Herbes sa mahal na reyna Aphrona at nagbigay ng kaniyang salitang paalam. “Paumanhin mahal na reyna, maaari ko bang hilingin na kung maaari ay pumarini muna ang mga sugatan? Kinakailangan lang naming pumaroon sa pamayanan ng Kampensina upang iligtas ang mga kawawang mamamayan.”
‘Ako bilang tumatayong pinuno sa kahariang ito, at sampu ng mga halaman kong kawani sa kaayusan na ang bahala sa mga pinapagaling niyong kasamahan. Mag-iingat kayo. Ipapanalangin ko na parati kayong gabayan ng ating panginoong Diyos na si Jesuah. Pumasainyo ang lubos kong pagbasbas. Ang mahabang wika ng mahal na reyna gamit ang kaniyang isipan.
‘Bago kayo tuluyang pumaroon ay tanggapin niyo ng may buong pagpapala ang mga butong ipamamahagi namin sa inyo.” May lumapit sa kaniyang mahiwagang halaman, at sa ulo nito ay mayroong bibit na sandamakmak na hindi mabilang na mga buto. Umikot ng napakabilis ang halamang ito, nagulat nalang kami at lahat kami ay mayroon ng tig-iisa. ‘Ang mga butong ito ay magbibigay sa inyo ng kakaibang tapang at mas palalakasin ang inyong enerhiya.’
Masuwerte kami at napakabit ng mahal na reyna. Handa talaga siyang tumulong para sa ikabubuti ng lahat. Kagaya nga ng sinabi ng reyna, mas epektibo pa ito sa isang mahusay na bitamina na makatutulong sa pagpapalakas ng aming pisikal na lakas at magbibigay rin ng enerhiya ng katapangan. Nilunok na namin ang kayumangging buto at tuluyan nang umalis sa lugar ng Flora Herbala upang tumungo sa aming pamayanan.
Binilisan namin ang paglipad. Wala kami dapat aksayahing oras dahil sa bawat minutong lilipas, maaaring inosenteng buhay ang mawala.
Matapos ang matulin na paglipad, sumalubong sa amin ang naglalakihang mga bola ng apoy at makapal na usok na siyang pumupuno sa buong paligid. Hindi lang ito, dahil mas nangingibabaw pa rin sa lahat ang boses ng mga kalahi kong nadamay sa biglaang pagsugod.
Tang-ina! Totoo ba itong nakikita ko? Kasalukuyang nilalamon ng apoy ang lugar na kinalakihan ko? Sinunog ng mga Mutuah ang pamayanan namin?
“Morphie?” Nakita ni Psycher na tumulo ang mga maninipis na luha ko sa mga mata. Ang pagluha ba ay isa sa senyales ng pagiging mahina ng isang mandirigma? O patunay lang ito ng matinding pagmamahal na mayroon siya sa kaniyang kapwa?
Kung ang pagtulo ng luha sa aking mga mata ay depenisyon ng kahinaan. Puwes, hinding-hindi ako sasang-ayon dito. Karamihan ng mga bagong miyembro ng hukbong sandatahan ay dito nanggaling at lumaki sa pamayanang ito.
“Kailangan kong mahanap sina nay Indang at Meera,” ang wika k okay Psycher. Hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin, nagsimula na akong lumipad upang suyurin ang buong paligid.
Nadako ang mga mata ko sa mga Mutuah na naglabasan sa ginta ng apoy bitbit ang mga wala nang buhay na katawan ng mga Kampensina. Nakita ko ang pagsugod ng mga kasama ko sa mga mga ito.
Hindi ko kinaya nang makita kong saksakin pa nila ang katawan ng mga bangkay. Wala nang buhay. Gusto pa nila ay durugin ang katawan ng mga ito.
“Hindi ito maaari!” Sa tindi ng galit ko, mabilis akong lumipad patungo sa kalaban. Nagliliyad ang galit sa mga mata ko, mas matindi pa sa liyab ng kanilang mga mata. Nang mahawakan ko sila sa leeg ay binali ko ito hanggang sa malawan sila ng hininga. Kung anong ginawa mo sa iba ay gagawin din sa iyo, ginawa kong sandata ang apoy na linikha nila- nagisa sila sa sarili nilang mantika- rito sila binawian ng kawawang buhay.
Sang-ayon ako na kakaiba ang lakas na naidudulot ng sobrang galit.
“Huwag niyo kaming kalalabanin!” ang bulong ko sa tainga ng isang Mutuah. Sinipa niya ako sa tigiliran ko. Mabilis kong hinugot ang palaso ko sa likuran ko at tinusok iyon sa binti niya.
“Mga kayo kampon ng demonyo!” Nagpaulan ako ng sandamakmak na palaso. Wala na akong paki-alam kung maubos ang bala ko. Gusto ko silang durugin, ito lang ang nais ko.
“Ang sarap pagmasdan ng mga kaawa-awa niyong ekspresyon. Gan’yan talaga ng mangyayari sa mga talunan at hindi marunong sumunu…” Hindi na natapos pa ng Mutuah kung ano ang dapat na sasabihin niya dahil mabilis na pinasabog ni Heneral ang ulo nito. Tumalsik ang kaniyang kawawang laman sa mukha ng kaniyang mga kasama.
Wala akong nakikitang lider sa kanila. Mga normal lang silang Mutuah. Wala ang makapangyarihan nilang kasama noong nakaraan. Layunin lang talaga nilang magsagawa ng plano nang mas lalo pa kaming galitin.
Pinagpatuloy ko ang pakikipaglaban. Wala na akong paki-alam kung magtamo ako ng matinding sugat sa katawan. Ang nais ko lang ay mapaalis ang mga Mutuah at mahanap sina nay Indang at Meera.
“Atras!”
Sa dami namin at sa tulong ni Heneral, hindi na nakayanan ng mga kalaban ang puwersa namin at napilitan silang umatras. Hindi pa rin nahuhupa ang pag-apoy. Lumiwanag ang langit at dumaloy ang ulan mula sa itaas.
Ito ang panibagong manipestasyon ng tulong sa amin ng panginoong Jesuah. Patunay lang na hindi niya kami nakalilimutan. Kailaman, hindi niya ito magagawa, sana.
Sa lakas ng buhos ng ulan ay mabilis napawi ang makapal na apoy. Tumambad sa amin ang mga sunog na tahanan. Hindi ko maatim na makita ito. Ginawa kong busy ang sarili ko at nag-focus sa patuloy na paglinga sa buong paligid pero bigo pa rin akong makita ang dalawang taong subject ng paghahanap ko.
Nasaan na sila?
Nay Indang at bebe Meera, hello from the other side sa inyo, magpakita na kayo, Please. Haggard na po ako sa paghahanap sa inyo. Kidding!
Nagbaba ng utos si Heneral sa bawat isa na gawin ang mga nararapat nilang gawin.
“Nakita mo na ba sina nay Indang at Meeraa?” ang tanong sa akin ni Noah. Napansin ko agad ang talsik ng dugo sa dumikit sa kaniyang kasuotan.
Nakita na nga pala ni Noah sina Meera at nay Indang noong araw na pasurpresa nila akong dinalaw habang nagsasagawa kami ng pagsubok. Tanda niya pa ito.
Bigo akong umiling sa kaniya.
“Feel ko pa ang presence nila ate Morphie. Don’t lose hope, ligtas sila promise. Kahit i-sight mo pa ng very true.” Pinipilit niyang palakasin ang loob ko.
“Noah, Morphie?” Ang siyang lapit naman sa amin ni Mura.
“Kuya Morphie?” Gumaan nang kaunti ang bigat sa dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Meera. Nakita ko siyang nakaupo sa pinakatuktok ng puno. Mabuti at ligtas siya.
Lumapit ko sa kaniya at mahigpit siyang yumakap sa akin. Mabilis na nabasa ng mga luha niya ang kasuotan ko. “Nasaan si nay Indang?” kinakabahang tanong ko kay Meera. Naaawa ako sa bata. Baka muli na naman siyang ma-trauma dahil sa nasaksihan niya.
Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pag-iyak. Ibig sabihin ba ng mga luhang nilalabas niya ay may hindi magandang nangyari kay nay Indang?
“Tahan na, nandito na si kuya Morphie. Wala nang mananakit sa iyo.” Mas hinigpitan ko ang pagyapos sa katawan niya. Patuloy ko siyang hinimas sa kaniyang likuran.
“Nandito rin si kuya Noah at kuya Mura, Meera. Hindi ka namin hahayaan na masaktan ng mga kalaban, kaya tumahan ka na,” ang salita naman ni Mura. Maagan na presensya ang binibigay niya sa bata kahit niya pa ito ganoon kakilala at nakakasama.
“Morphie?”
Humarap ako sa likuran ko dahil sa panibago na namang pagtawag sa pangalan ko.
“Nay Indang?” Yinakap ko siya ng mahigpit. Napakasayang malaman na ligtas silang dalawa. Akala ko, pati sila ay mawawala na rin sa akin. Mabait ang tadhana, alam niyang hindi ko kakayanin kaya hindi niya ginawa.
“Inayyyy!!!” May humiyaw na naman nang sobrang lakas. Kilala ko ang boses na iyon. Lumingon kami ng mga kasama ko sa direksyon kung saan ito nagmumula. Nakita namin si Pedro, hawak-hawak niya ang sunog na bangkay ng kaniyang ina.