Chapter 26: ACCEPTANCE

1041 Words
Morphie “HINDI ka maaaring sumugod sa kanila nang basta-basta, Pedro. Hindi mo sila kakayanin.” Nakariin ang mga daliri ko sa braso ng taong may malaking sama ng loob sa akin sa hindi ko matiyak na dahilan. Buo sa pag-isip ko na hindi kami ganoon ka-close or super far distance talaga ang space namin sa isa’t-isa pero hindi na iyon ang nasa isip ko ngayon. Ang gusto ko lang, pigilan siya at pakalmahin ang loob niya. Tiyak akong magreresulta lang ang alab ng galit niya sa pagkawala rin ng kaniyang kamalayan panghabang buhay. “Bitiwan mo ako!” Binigyan niya ako ng isang matinik na tingin na amimo’y lunod sa pag-aasam na bigyan ng delubyo ang mga nilalang na nagdulot ng pagkawasak. “Kailangan kong ipaghiganti ang nanay ko!” Mariin niyang hinawakan ang kamay ko. Bumaon ang maikli niyang kuko at buong puwersang kinalas ang kamay ko sa braso niya. “Sino ka sa tingin mo Morphie para pigilan ako sa ninanais kong gawin?” ang sigaw niya sa pagmumukha ko. Halos tumalsik na ang mga butil ng laway niya mula sa kaniyang bibig papunta sa akin, gayunpaman, kahit amoy imbornal ang hininga niya ay ipinagsawalang bahala ko nalang ito. Paano kaya kung sagutin ko siya ng pabalang? Huwag nalang, hindi ito makatutulong sa kaniya. “Oo nga, tama ka. Sino nga ba naman ako para pigilan ka?” ang sagot ko. Eh mortal na magkaaway lang naman ang role namin sa isa’t-isa. Nothing less, nothing more, however, I am still concerned about his safety. Kababaryo ko pa rin siya at kasamahan sa hukbo. Gumaling nga ang iba, malalagas naman siya sa bilang. “Respetuhin mo naman ang bangkay ng nanay mo, Pedro! Tanggapin mong wala na siya at hindi niya rin ikatutuwa kung iaalay mo ang buhay mo sa mga kalaban. Kung ikaw lang mag-isa ang susugod sa kanila, walang panama ang lakas mo pagdating sa bilang at estratehiya ng mga ito, pero kung sama-sama tayo, malaki ang porsiyento ng pagkapanalo natin.” Sigurado ako, nabubuo ang pagtataka sa isip ng dalawa kong kaibigan sa kung bakit fully concerned ako ngayon kay Pedro. Nabanggit ko na ang dahilan, alam kong mauunawaan naman nila ito. Ayaw pansin kami ni Pedro dahil sa aming dalawa nakatutok ang atensyon ng mga Fairouah na naririto. “Pedro, tama si Morphie. Tanggapin mo sa sarili mo na hindi mo sila kakayanin. Sasayangin mo lang ang buhay mo,” ang siyang turan naman ni Psycher gamit ang seryosong tono ng pananalita. Iyong mga bataan ni Pedro, tinapik rin siya sa balikat upang kahit papaano ay mahimas-masan ang boss nila kung tinuring. Naiintindihan ko ang sitwasyon ni Pedro. Kapag nasa-punto ka nang nag-uumapaw na emosyon, wala ka nang paki-alam kung ano ang mangyayari sa gagawin mo, basta ang tanging sinisigaw lang ng isip mo ay iyong bagay kung ano ang ikagagaan nito. Ito ay walang iba kung hindi ang paghihiganti. Kaya ang hirap-hirap niyang pakalmahin. Para kaming nagbabaluktot ng bakal gamit ang manipis at marupok na kahoy. Pero pinagpatuloy namin ang ginagawa namin hanggang sa mukhang nahimas-masan naman kahit papaano si Pedro. Napakadaling magbigay ng payo sa kapwa, sa iba, ngunit pagdating sa sarili natin ay sobrang hirap nitong gawin. Hindi naman tayo sisisid sa dagat na puno ng halimaw pero... mayroon pang dalawang pag-iisip na nabubuo sa atin. Yumuko nalang si Pedro at lumuhod sa lupa na tila wala nang pag-asang mahawakan. Dito niya tinuon ang lahat ng galit niya. Kung ang kamao niya ay isang matalim na pala, malamang na malalim na ang nagawa niyang hukay ngunit hindi, kaya ang kamao niya ngayon ang naglalabas ng butil ng dugo. Mainam na ito kaysa naman mas malala ang mangyari sa kaniya kung ipagpapatuloy niya ang nais niya. Nakakaawa siyang pagmasdan ngayon. Hayst, Pedro. Sana naman maging daan na ito sa pababago ng ugali mo. Nakahanay sa harapan namin ang bangkay ang kalahi naming pinatay ng mga Mutuah. Kagaya nang kung ano ang naganap dati; panangis, at lupasay lang ang tanging aksyon na masisilayan ng mga mata at maririnig ng tainga sa kasalukuyan. Ang mga kapitan ay nagtungo sa palasyo kasama rin si heneral upang ipagbigay alam ang nangyari sa mahal na reyna Wineah. Magpapahatid ng tulong ang reyna sa oras na malaman niya ang nangyari. Kinakailangan nalang namin na hintayin ito. Masakit isipin na sa ika’tlong beses, nangyari na naman ang ganitong delubyo. Kung ipipikit mo ang iyong mga mata sa sasariwain kung ano ang mga nangyari, ihahatid lang sa iyo nito ang pagsuko kung mahina ang pundasyon ng iyong pagiging mandirigma, pero kung ikaw ay mayroong pulidong adhikain, tapang at pananalig ang ihahandog sa iyo ng paulit-ulit na kaguluhan. Sa kasalukuyan, ang magagawa nalang namin ay pag-igihan ang gagawin naming pagsasanay dahil iyon ang tunay na magsisilbing pulidong batayan upang matalo namin ang mga kalaban. Sa ngayon, hindi ko pa nakikita ang kalamangan ng hukbo namin sa puwersa ng kalaban. Maraming kaanib na halimaw ang mga Mutuah. Sigurado ako na makikisali sila sa digmaan kaya kailangan talaga itong paghandaan. Kung galit ang hahayaan namin na mamayani sa amin, wala itong maidudulot na maganda- purong pagkabigo at kapahamakan lamang. Nakapatong sa ibabaw ng malambot na puting kabute ang mga bangkay. Nakahanay ito ng tuwid at mahaba, ang bawat isang bangkay ay bitbit ng mga malilit na insektong kumikinang ang katawan- ang mga tawag sa mga ito ay Aliteytap. Mayroong nakalaang isang gabi sa mga bangkay para sila’y paglamayan ng kanilang mga kaanak. Matapos nito, ihahatid na ang kanilang katawang lupa sa kanilang narapat-dapat na huling hantungan -ang lugar kung saan makakasama na nila ang Panginoong lumikha sa aming lahat. “Panginoong Jesuah, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makita-kita kung anong dahilan niyo kung bakit patuloy niyong hinahayaan na maranasan namin ito. Kailan mo ba ipapakita sa amin ang tiyak na rason? Siya bang puro pagdurusa nalang talaga ang kaangop ng buhay namin?” ang sigaw ng isang matandang Kampensina. Lumuhod siya at itaas ang kaniyang dalawang kamay. Tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata habang nakasara ang mga ito. “Patahimikin nawa ang mga kaluluha ng mga Kampesinang tinanggalan ng kakayahang mabuhay ng mahaba at mapayapa ng mga Mutuah. Kayo na po ang bahalang magparusa sa kasalanang ginawa nila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD